Chapter 14 - I'm Moving Closer To You

749 13 1
                                        

Chapter 14

-I'm Moving Closer To You-

***MIKO'S POV***

"Ikaw nanaman???" Sabay naming sabi ni DJane.

Mas gusto kong tinatawag siyang DJane, bakit ba?

"Sinusundan mo ba 'ko, DJane??" Pang-aasar ko sa kanya.

Nanlaki naman yung mata niya.

"Hoy, excuse me, Miko. Baka naman ikaw ang sumusunod sa akin??"

"'Pag sinabi ko bang oo, creepy na ba? Haha." Sabi ko, sabay-upo dun sa tabi niya.

"Lalayuan na kita 'no! Stalker!" Sabi niya at tumayo paalis.

"Uy, grabe. Joke lang. Hindi naman kita sinusundan eh."

Tumayo rin ako at sumunod sa kanya.

Napatigil siya ng lakad at tinitigan ako.

Natigil ako kasi narealize ko na yung tingin pala na yun, ang ibig sabihin ay "Eh ano 'yang ginagawa mo ngayon?"

"Oy, grabe talaga 'to. Sa'n ka ba kasi pupunta? Nilalayuan mo na ba ako??"

Nagpatuloy na ulit siya ng lakad at napansin kong papunta pala siya dun sa upuan sa may tapat ng aircon.

"Ang feeler mo. Magpapalamig lang ako eh. Mas grabe ka kaya! Sa tingin mo gano'n ako kababaw para layuan ka? Haha. Saka hindi ka na naman stalker eh. Hello, we're friends na! Hindi ka na considered na stalker. DJane pa nga tawag mo sa'kin eh." Explain niya, habang nakaharap at nagpapahangin sa aircon.

Napansin kong parang may pagkasimilar sila ni Kirsten. Naalala ko nung isang araw...

***Flashback***

"'Wag mo sabihing...sasali ka sa...PEM?"

"Kung sinabi ko bang oo, lalayuan mo ako?"

"Uhmmm...siguro?" Sabi niya at nagpatuloy siyang maglakad. Hinabol ko siya at hinawakan sa kamay para pigilang maglakad.

"Sandali. Seryoso ba 'yan?"

"Haha. Ano ka ba? Kilala na kita mula pagkabata. Ano, dahil lang sa pagsali mo sa frat lalayuan na kita? Syempre, hindi 'no! Ang babaw ko naman kung gano'n."

***End of Flashback***

May kinuha ako sa bulsa ko. Nalabhan na nga pala ni Manang 'to kaya ibabalik ko na.

"DJane oh." Inabot ko sa kanya nung panyo niya.

"Oh, akala ko 'di mo na ibabalik eh. Haha." Kinuha niya naman yun.

"Sorry kung hindi na kasing bango nung pabango mo ah. Haha."

"Haha. Kainis. Pero thanks. Pinalabhan mo pa." Sabay-ngiti nanaman.

Ngumiti nalang din ako.

"Uhhh...Okay lang ba sa'yong tawagin kitang DJane?" Tanong ko.

"Uhmmm...sa tingin ko naman pwede. Ayaw mo ba nung Debbie? Jane? DJ?"

Sandali. DJ? Biglang nagcling sa tenga ko yung pangalan na yun ah.

Pero 'di ba nga sabi niya wala siyang boyfriend? Ano bang pakialam ko dun sa DJ, 'di ba? Pero, curious lang ako eh.

"Pwede yung DJ?" Tanong ko.

"Hmmm...sandali, kilala mo yung leader ng PsiChi?"

Nagnod ako.

The InitiationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon