Chapter 6
-Debbie's Scent-
***MIKO'S POV***
"ANO?!" Pasigaw na tanong ni Sean sa akin matapos niya marinig yung sinabi ko.
Tahimik lang ako at hindi ko siya matignan sa mata dahil nagsinungaling ako.
"Bakit ganon?! Ang daming pang pwedeng ipagawa dyan ah! Tangina anong klase yan?!" Sigaw pa ni Sean.
"Sean, pards, hindi ko din naman ginusto yun eh. Ni hindi ko nga maalala yan si Debbie, 'di ba?" Mahinahon na sabi ko.
"So kaya pala. Now, that explains it. Kaya pala lately, ang dami mong tanong tungkol kay Debbie. Tss." Sabi niya habang masama pa rin ang tingin sa akin.
"Pards, please, pagbigyan mo naman ako oh. Alam ko gusto mo si Debbie. Alam ko ang kapal ng mukha ko para sabihin 'to sa'yo, pero pwede bang paubaya mo muna sa akin si Debbie? Ngayon lang, pards. 'Pag natapos na 'tong initiation ko, lalayuan ko na siya, pards. Pramis 'yan." Pakiusap ko kay Sean.
Natahimik siya sandali. Mukhang nag-iisip. Tumingin siya sa akin.
"As long as you won't do anything more to her. Hanggang boyfriend ka lang talaga. Alam mo naman siguro yung ibig kong sabihin. Kundi, hindi ka lang sa akin mananagot. Sa akin, kay Carlo, sa Kuya ni Debbie, at kay Ate Yang. Isama mo na ang buong PsiChi." Seryoso na sabi niya sa akin.
Alam ko naman kung ano yung sinasabi niya eh. Yun yung pagkikipag....alam niyo na. Basta yun! Eh 'di ba yun naman talaga pakay ko kay Debbie? Hay. Ang hirap nito. Pa'no kung malaman nila? At bakit naman na-involve pa pati yung buong PsiChi? Pagtutulungan ba nila ako?
"Talaga? Sige, pards. Pero may tanong ako." Hirit ko.
"Tangina, may hirit pa?! Pinagbigyan na nga eh! Oh, ano yun?" Tanong nito na nakakunot pa yung noo.
"Nagkaboyfriend na ba si Debbie?"
"Oo naman. Sa ganda at talino nun, malamang madami nang nahulog sa bitag nung babaeng yun."
"Nagtagal ba lahat?"
"Sandali nga. Bakit mo tinatanong 'yan? Hindi ko maintindihan. So after maging kayo, pasok ka kaagad sa PEM? Ganun lang? Ganun kasimple?? So bakit tinatanong mo pa kung nagtagal ba yung pasts niya?!"
Nako. Pa'no ko ba 'to i-e-explain kay Sean?! Eh hindi talaga ito ang kailangan kong gawin!
"Uhhh...sa-sasabihin daw nila sa akin...k-kung...hanggang kailan lang kami ni Debbie. Tapos 'pag sinabi na nila na...na tapusin ko na,...mak-makikipagbreak na ako." Medyo utal-utal naman yung pagkakasabi ko. Sana lang maniwala si pards.
"Ahhh. Hindi ba pwedeng kontsabahin nalang natin si Debbie na magpretend to be your girlfriend?" Suggest ni Sean.
Actually, ayos yung naisip niya ah. Pero iba yung totoong case eh. Hindi ko naman pwede kontsabahin si Debbie na magpretend na nagalaw ko na siya. Medyo wrong move yun. Hay, ano ba yan?!
"Pards, 'pag nahuli ako, lagot! As much as possible, mag-iingat sana ako."
"Hayyy. Wala na bang ibang paraan para hindi masaktan si Debbie?? Pa'no nalang kung magfall siya sa'yo, tapos ibebreak mo lang? Tangina lang. Mahal ko yun noh. Kahit na mas batang kapatid lang tingin nun sa'kin."
Aba at nagdrama pa 'to si pards. Haha.
"Wait. So okay ka na sa'kin, pards??" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
The Initiation
TeenfikceEverything happens for unexpected reasons, and one of them expected the unexpected. Miko had it all planned out. But somewhere along the way, something went wrong. He meets Debbie, the key to pass his initiation. Will his plan lead to something he e...