Chapter 40
-Missed Me?-
***DEBBIE'S POV***
Hindi ko alam kung anong irereact ko. Masakit yung nakikita ko ngayon. Wala akong magawa kundi tumunganga doon sa mga kamay nilang magkahawak.
"Debbie? OHMYGOD, DEBBIE!!! It's you!!! You're back!!" Nagsisisigaw si Kirsten dun sa hallway nang makita niya ako. Agad niya akong inakap.
Habang nakaakap sa akin si Kirsten ay napatingin naman ako kay Miko. Deretso lang ang tingin niya sa akin. Ni wala akong mabasang ekspresyon sa mukha niya.
Kumalas na si Kirsten sa pagkakaakap, "Since when?? Kailan ka pa nakabalik? Omg. And you look prettier!"
"Kahapon lang." Pinilit ko pang ngumiti.
"That's great! By the way, this is Miko. He told me friends daw kayo. So I don't have to formally introduce you to him anymore. He's my boyfriend,...kung sakaling 'di niya pa binabalita sa'yo." Nakangiting sabi ni Sten.
"B-Boyfriend? H-Hindi niya pa nasasabi." Sagot ko, sabay napatingin pa ako kay Miko na seryoso lang yung mukha.
Wow, he told Kirsten na 'friends' kami. What the hell? We're in a relationship, for heaven's sake! Sa bagay, kasalanan ko rin naman somehow. Never ko naman kasing namention si Miko kay Sten eh. Pero ang sakit pa rin na friends lang ang sinabi niya kay Sten.
"Yeah. Haha. Nice 'no? Matagal na 'tong nanliligaw sa akin eh."
"Debbie, tara na! Pumasok na tayo sa loob. Baka dumating na yung teacher." Sabi ni Tori, sabay hinila na ako papasok nung classroom. Nagwave nalang si Sten sa akin para magpaalam.
Naupo na kami ni Tori. Nakatunganga lang ako sa kawalan.
"Okay ka lang? Tss. Duh, malamang hindi. Tanong pa 'ko." Sabi ni Tori.
"Kaya pala hindi niya ako sinipot kanina."
"Ha?"
"Kaya pala last week, hindi na niya ako sinesendan ng messages at wall posts."
"Awww. Debbie." Hinihimas na ni Tori yung likod ko. Naluluha na kasi ako, tapos deretso lang ang tingin ko.
"Matagal na daw niyang nililigawan si Kirsten. I guess I was wrong after all. Hindi talaga siya nagfall sa akin. He's the one helping me out."
"Ano ka ba, Debbie! Ni hindi ko nga alam ang pinagawa sa'yo nung initiation mo eh, si Miko pa kaya?"
BINABASA MO ANG
The Initiation
Teen FictionEverything happens for unexpected reasons, and one of them expected the unexpected. Miko had it all planned out. But somewhere along the way, something went wrong. He meets Debbie, the key to pass his initiation. Will his plan lead to something he e...
