Chapter 15 - Game Over

739 18 0
                                        

Chapter 15

-Game Over-

***MIKO'S POV***

"Huy, Miko, bakit ba? Medyo hindi na kasi ako komportable sa pwesto natin eh."

Hindi ako sumasagot. Tinititigan ko lang siya.

"Miko, susuntukin na kita 'pag 'di ka pa sumagot!"

"Ang ganda mo pala talaga."

"Ha?! Ano bang pinagsasasabi mo dyan? Tara na nga! Gutom lang 'yan eh. Kain tayo dun sa Cuevas. Dali."

Pinilit niya nang kumawala dun sa dibdib ko at hinila na ako palabas nung gate.

Maniwala man kayo o sa hindi, I meant what I said. Maganda siya. May pagkabrown yung mata niya na hindi gaanong singkit, makinis yung mukha na maamo, basta maganda siya.

Kumakain na kami ngayon sa Cuevas. Dito lang 'to sa tapat ng white colleges sa Pedro Gil. Doon kami sa itaas kumain. Mas presko kasi dun sa balcony banda eh.

"Alam mo, Miko, gwapo ka rin pala eh." Bigla niyang sinabi.

"Tss. Alam ko naman na yun, DJane eh. Dami nang nagsasabi sa akin niyan." Sabay-ngiti na pang-asar.

"Hay ang yabang."

"Bakit mo pala biglang nasabi yun? In love ka na ba sa akin? Haha. Uyyy, aminin mo na, DJane. Malay mo, in love na rin pala ako sa'yo."

Napangiti nalang siya at tumahimik. Tumingin siya doon sa street ng Pedro Gil sa baba. Umiiwas ba siya ng tingin sa akin??? Nailang ba siya dun sa sinabi ko??? Nagfall na kaya 'to sa'kin???

"Tapos ka na bang kumain? Tara, baka makita pa ako ng Kuya ko dito eh."

Tumayo na siya at binitbit yung bag niya pababa. Talagang 'di na niya ako hinintay ah.

Hinabol ko siya kaagad. Ang bilis. Nandoon na kaagad siya sa labas ng Cuevas.

Pumasok na ulit kami sa white colleges para sa PGH na kami dadaan papuntang CAS. Hindi pa rin siya nagsasalita. May nasabi ba akong mali kanina?

***Flashback***

"Close talaga kayo ni Carlo?"

"Oo naman! Kuya na rin ang turing ko sa kanya kahit same age lang kami. Sabay na kami lumaki nun eh. Ayan tuloy, sa araw-araw na nakakasama ko siya,.....haha. Nevermind."

"So may gusto ko sa kanya?"

"Uhmmm...well, you can say that. Pero i don't go beyond my limits naman. Alam ko kasi na bestfriends lang ang tingin niya sa aming dalawa. I don't know. Haha."

***End of Flashback***

Gusto pa rin niya kaya si Carlo?

"Uhmmm...DJane."

"Oh?"

"Gusto mo pa rin ba siya?"

Napatigil siya sa paglalakad at tumingin sa akin na parang nagtataka kung bakit ko tinanong yun.

"Alam mo nga pala 'no?" Napangiti siya. Pero yung ngiti na yun, parang may halong lungkot.

Nagpatuloy siya sa paglalakad. Sumunod lang ako.

"Oo, gusto ko pa rin siya. Pero tulad nga nung sinabi ko dati, bestfriend lang ang tingin niya sa akin. Mas masakit pala yun kaysa sa pakikipaghiwalay sa boyfriend. Haha."

The InitiationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon