Chapter 37
-He Likes My Cousin-
***MIKO'S POV***
"Hoy, tigilan mo na nga!" Awat sa akin ni Sean dahil patuloy akong lumalagok nung Tanduay Ice.
"Hindi pa nga nakakarecover 'yang mukha mo, mas lalo mo pang gagawing miserable 'yang itsura mo." Sabi naman ni Zeke.
Inaya ko kasi 'tong dalawa dito sa isang bar sa may loob ng subsivision namin. Sunod-sunod kasi yung bars dito kaya magsasawa ka talagang mamili.
"Uy, Ezekiel, inom ka, pre!" Nakangisi kong inalok sa kanya yung isang bote ng Tanduay Ice.
"Tantanan mo 'ko, Miko, ha? May tama ka na eh."
Ayaw niyang uminom kasi siya ang may dala ng sasakyan ngayon. Since Dad confiscated my car, wala akong mapakinabangan ngayon.
"Ano ba kasing nangyari at napapakalunod ka dyan?" Tanong ni Sean.
"Masaya siya dun, okay?! Wala siyang pakialam sa mga nangyari! Wala lang sa kanya lahat! You know what, honestly, I really wanted to join that stupid Rho Sigma Mu Fraternity before. As in, REALLY. Now, nung nakilala ko si Debbie, nagbago lahat. Pati pagtingin ko sa PEM, nagbago. I don't know what she's done to me that made me hate that stupid fraternity." Medyo wala na ako sa sariling nagsasalita.
"Uy, easy ka lang sa pananalita mo. Member pa rin ako nun 'no." Utas ni Zeke.
"Whatever." Sabi ko, sabay umirap at uminom ulit dun sa bote ng T-Ice.
"Pa'no mo naman nalaman na masaya siya doon, at hindi siya apektado?" Tanong ni Sean.
"Tangina, pards. Hindi ka ba updated?! Pagdating niya sa New York, update kaagad ng status sa Facebook! Feeling excited, pards! Parang wala lang!" Kwento ko.
"Alangan naman kasing ipangalandakan niya sa madla yung problema niyo? Malamang itatago nun yung nararamdaman niya." Sabi naman ni Zeke habang nakahalukipkip doon sa tapat ko.
Nanahimik nanaman ako at lumagok ulit ng T-Ice.
"So ano nang balak mo ngayon?" Tanong ni Sean.
"'Di ko pa alam, pards. Sa ngayon, ang gusto ko lang eh makausap siya nang personal. Pero minsan hindi ko mapigilang i-message siya eh." Tuliro na ako habang nagkkwento.
"Sinasagot naman ba niya?" Tanong ni Zeke.
Umiling ako.
---
Dumaan ang ilang araw at lagi akong tambay sa mga bar dito malapit sa amin. Kilala na nga ata ako sa district na 'to bilang lasinggero eh. Madalas napapaluha nalang ako. Parang tanga lang. Buti nalang at mabait itong sina Zeke at Sean na lagi akong sinasamahan. Lagi akong hinahatid sa bahay kapag malakas ang tama ko. Ang hirap ng walang kotse.
Patuloy pa rin akong nagpapadala ng messages kay Debbie. Pero patuloy niya rin iyong 'di binibigyan ng pansin. Ang sakit-sakit na. Nagpopost siya sa Facebook ng mga pictures niya sa States. Parang ang saya-saya niya pa. Lagi silang magkasama ng Kuya niya doon, kitang-kita sa mga pictures na lagi silang nagbobond.
*knock knock*
"Miko. Baby." Si Mommy pala.
Napaupo ako sa kama ko nang makapasok siya. Medyo masakit pa nga yung ulo ko dahil sa hangover kagabi.
BINABASA MO ANG
The Initiation
Dla nastolatkówEverything happens for unexpected reasons, and one of them expected the unexpected. Miko had it all planned out. But somewhere along the way, something went wrong. He meets Debbie, the key to pass his initiation. Will his plan lead to something he e...
