Chapter 36
-Gone Is The Wall Post-
***MIKO'S POV***
Nagising nalang ako sa isang kwarto. No, this ain't a hospital. Alam ko simpleng kwarto lang 'to. Pero kanino?
Inaamin ko sa sarili ko na medyo disappointed ako dahil hindi ito yung kwarto ni Debbie, nor yung guest room nila. Hindi ako familiar sa kwarto na 'to. Unti-unti akong bumangon. Bawat galaw ko, nararamdaman ko yung sakit nung mga sugat ko sa mukha at katawan.
"Uy, pards. Gising ka na pala." Bati ni Sean. Nagcocomputer pala siya dun.
"Kwarto mo? Pa'no ako napunta dito?" Tanong ko. Ngayon lang din kasi ako nakapunta dito.
"Uh...nakita lang kita doon...sa white colleges. Buti nga walang nakakita sa inyo na security guards, kundi expelled kayo pareho nung Kurt na yun. At buti nalang sembreak na. May tatlong linggo ka pa para pagalingin 'yang mga sugat mo, bago mo iharap sa buong campus 'yang mukha mo."
"Sino gumamot sa akin?" Inaasahan kong si Debbie ang isasagot niya.
"Si Ate Yang. Kanina. Kaso umalis din pagkatapos eh. May date daw sila ni DJ bago pumuntang States bukas."
Parang nanghihina nanaman ako. Bakit ba kasi ngayon pa? Kailangan ba talagang malaman ni Debbie yun bago siya pumuntang States?
"Bukas ng 7 am ang flight nila." Sabi ni Sean. Napansin niya kasi ata yung emosyon sa mukha ko.
"Babalik naman sila, 'di ba?" Paninigurado ko.
"Oo naman daw. Nga pala, tinawagan na ni Ate Yang si Tita Mariel. Ipinaalam na niya na dito ka matutulog. Tingin kasi niya hindi mo pa kakayaning magmaneho pauwi. Tignan mo nga 'yang itsura mo! Mukha kang miserable."
Nanahimik nalang ako.
"Ano ba talagang nangyari?" Tanong ni Sean.
"Hindi ko na din alam, pards. Ang alam ko lang galit si Debbie sa akin. Ang alam niya ata may balak pa rin akong ituloy yung plano ni Kurt. Mali. Mali yung pagkakasabi ko! Ugh!" Ginulo ko pa lalo yung magulo kong buhok sa sobrang inis ko sa sarili ko.
---
Kinabukasan ay umuwi na ako. 10 am na ako nagising sa sobrang sakit ng katawan ko pati ng ulo ko. Ni hindi ko man lang napuntahan si Debbie sa airport.
"Jusmiyo! MIKO MIGUEL, ANONG NANGYARI SA'YO?!" 'Yan ang salubong ni Mommy sa akin pagpasok ko ng bahay. Nagbbreakfast ata sila ni Dad nung dumating ako.
Hinawakan ni Mom yung mukha ko at inaanalyze lahat nung sugat ko.
"Sinong gumawa niyan sa'yo, ha?!" Usisa niya pa.
Wala talaga akong gana ngayon para iexplain ang lahat. Totoo nga yung sinabi ni Sean. Miserable na ako. Nakita ko si Dad na nakatayo na sa likod ni Mom. Nakakunot yung noo niya.
"Nagpainitiate po ako sa Rho Sigma Mu." Yun nalang ang sinabi ko.
Ilang saglit lang, naramdaman ko na ang kamao ni Dad sa mukha ko. Agad ako tumumba. Hindi ko na alam kung may lakas pa ba akong tumayo. Humawak ako dun sa table sa living room para alalayan akong tumayo.
"HINDI BA SINABI KO NA SA'YO NOON NA KAPAG NABALITAAN KONG SUMALI KA SA IBANG FRATERNITY, HUMANDA KA SA'KIN?! ANG LAKAS NG LOOB MONG SUWAYIN AKO!" Galit na galit si Dad.
"Mike, tama na!" Sigaw ni Mom.
Tahimik lang akong nakayuko. Alam ko, mali ako. Wala akong karapatang sumagot.
"ANONG TAMA NA?! TUTAL NAGPABUGBOG NA NAMAN SIYA, ANO PA BANG PAGKAKAIBA NUN KUNG BINUGBOG KO RIN SIYA?!"
"Nagquit po ako."
"Nagquit? Eh bakit ginawa pa rin nila 'yan sa'yo?" Nag-aalalang tanong ni Mommy.
"Because I quit. Nalaman kong ginamit lang ako nung leader dahil galit siya kay DJ. And you know what, ginamit niya kami ni Debbie para magrevenge kay DJ. But Mom, Dad, I'm telling you, totoo pong nainlove ako kay Debbie. Maybe nung una, hindi pa. Iba ang intentions ko sa kanya. Pero ngayon, tingin niyo bakit ako nagquit? Kasi hindi ko po kayang gawin kay Debbie yung pinagagawa nila." Nanghihina na ako sa mga pinagsasasabi ko sa mga magulang ko.
"Mukhang alam ko na kung anong yung plano na 'yan. Puro kayo kalokohan! Kasalanan mo 'yan! From now on, you can't use your car without my permission! Punishment mo 'yan for your stupidity, disobedience and for the mess you've made! My goodness, nakakahiya kay Jerome!"
Nagwalk out na si Dad. Fine, I'll let them take away everything from me, 'wag lang si Debbie. Sana bumalik siya.
"Akyat na po ako sa kwarto ko. Sorry, Mom."
Sa facial expressions ni Mommy, mukha siyang naaawa sa akin. Ilang saglit lang, inakap niya ako. Parang gusto kong umiyak pero pinipigilan ko lang. Ang hopeless ng feeling ko. Miserable, hopeless, and crazy.
Naligo muna ako. And fuck, my wounds hurt! Mas lalo pang sumasakit dahil kada ako pipikit ay paulit ulit na nagfaflashback sa utak ko yung itsura ni Debbie nung narinig niya yung pinagsasasabi ni Kurt. Kung alam ko lang talaga. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, hindi na talaga ako nagpainitiate sa Rho Sigma Mu na yun. Pero...kung hindi naman dahil dun, hindi ko makikilala si Debbie eh. Maya-maya lang, namalayan kong lalong humahapdi yung mga sugat ko sa mukha. Pa'no, nahaluan na ng luha yung tubig na dumadaloy sa mukha ko.
Nang matapos ako maligo, nilagyan ko lang muna ng gamot yung mga sugat ko. Nahiga na muna ako para magpahinga pagkatapos nun. Kinuha ko yung phone ko. Tinititigan ko lang yung conversation namin ni Debbie sa inbox ko. For the first time, hindi naka-on ang iMessage niya. Panigurado, nasa flight pa siya papuntang States at naka-airplane mode yung phone niya. Kinompute ko kung anong oras sila dadating doon, at around 12 am mamaya sila magtatouchdown.
Natulog lang ako maghapon. Umalis din sina Mom at Dad. May work kasi sila. Kami lang ng mga maids ang naiwan dito sa bahay. Bababa lang ako kapag kakain. Buong araw lang akong idle sa kwarto ko. Hihiga ako at tutunganga sa ceiling hanggang sa makatulog. Wala akong ibang inisip kundi si Debbie kapag gising ako.
Pagkatapos kong magdinner, sinubukan kong maglaro ng PS. Pero lagi lang akong natatalo sa kahit anong games na nilalaro ko. Naibato ko pa yung joystick sa inis. Nag-XBox rin ako, pero nawalan rin ako ng gana. Pre-occupied lagi yung utak ko. Huling ginawa ko ay magDoTA sa PC ko. Pero nagsawa rin ako eventually. Nagpalipas lang ako ng oras. Hindi ko namalayang 1 am na. Ni hindi ko man lang alam kung nandyan na sina Mom.
Nag-online ako sa Facebook account ko. Nagscroll lang ako nang nagscroll sa news feed. Parang biglang mabilis na umagos yung dugo sa buong sistema ko nang makita ko ang status ni Debbie.
Debbie Jane Biazon
Touchdown! :D -feeling excited
37 minutes ago near New York, NY
Bakit bigla akong nanghina? Bakit hindi siya mukhang affected sa mga nangyari? Bakit mukha pa siyang masaya?
Chineck ko yung phone ko. Naka-on na ulit ang iMessage niya. Ibig sabihin, naka-activate na ulit yung hotspot niya. Gustong gusto ko siyang itext. Gustong gusto kong magcomment dun sa status niya. Pero hindi ko magawa. Gusto kong personal siyang kausapin. Hindi sa ganitong paraan.
Pero hindi ko talaga mapigilan yung sarili ko. Pumunta ako sa profile niya at nagpost sa wall niya.
"Babe, I miss you!"
Alam ko medyo PDA yung ginawa ko. Pero hindi ko mapigilan yung urge na magparamdam sa kanya eh.
Bumalik ako sa news feed ko at nagscroll ulit. Pero maya-maya lang ay naisipan ko ulit bumalik sa wall ni Debbie. Lalo akong nanlumo nang marealize kong...
Wala na yung wall post ko sa kanya kanina.
BINABASA MO ANG
The Initiation
Novela JuvenilEverything happens for unexpected reasons, and one of them expected the unexpected. Miko had it all planned out. But somewhere along the way, something went wrong. He meets Debbie, the key to pass his initiation. Will his plan lead to something he e...
