Chapter 51 - Leave Him A Note

608 14 3
                                        

Chapter 51

-Leave Him A Note-

***DEBBIE'S POV***

"Sten!" Tawag ko kay Kirsten nang makasalubong ko siya sa hallway.

Napalingon siya at napangiti nang makita ako, "Hm?"

"May class ka pa ba?" Tanong ko.

"Uhmmm...meron pa. Pero mamaya pa yun. May two-hour break pa ako. Bakit?" Sagot niya habang yakap yung makapal na Biology book niya.

"Uh, eh pwede ka bang makausap?"

"Oh, sure! Tungkol saan? Tara, sa Rob tayo! Libre kita sa UCC. Just like old times." Excited na sinabi niya.

"Sige ba!"

Pumunta na nga kami sa UCC. Actually, mahal dito eh. Kapag bakasyon kasi noon, nagcacafe hunting kami ni Kirsten. Nagtatry kami ng iba't-ibang cafe. Coffee Bean & Tea Leaf, Starbucks Coffee, Seattle's Best Coffee, UCC, Krispy Kreme, etc. Lahat ng mga 'yan, nasubukan na namin.

"So tungkol saan nga yung pag-uusapan natin?" Nakangiting tanong ni Kirsten.

"Uhhh..." Napatingin muna ako doon sa frappe na nasa harap ko. "...tungkol kay Miko."

Napataas yung kilay ni Sten sa sinabi ko. Halata kong gulat siya at may halong pagtataka yung ekspresyon na yun.

"Anong meron kay Miko?" Natatawang tanong niya bago magsip doon sa frappe niya.

"Balita ko kasi,...w-wala na daw kayo."

Ibinaba niya yung inumin niya doon sa table at napangiti, "Ah. Yun ba? Hmmm...To tell you honestly, DJane, parang 'di naman naging kami eh. It has always been Carlo for me. Si Miko, matagal nang may gusto sa akin yun. High school palang. Pero nung naging 'kami', halata ko namang wala na siyang gusto sa akin."

"H-Ha??? Eh bakit kumalat yung balita na kayo daw?" Tanong ko.

"Adik lang ata talaga ako. Sinagot ko siya kahit na halatang tinigil na naman niya yung panliligaw niya sa akin. Nahurt lang kasi ako noon. Akala ko wala na kaming chance ni Carlo. Pero ayun, meron pala." Tatawa-tawa pa rin 'tong baliw kong pinsan.

"So ano nang nangyari kay Miko? Pa'no kayo 'nagbreak'?"

"Alam mo, the whole time na naging 'kami', tahimik lang si Miko. Alam kong napipilitan nalang siya sa akin at ayaw niya akong masaktan kaya hindi niya ako matanggihan. He's been understanding all this time. Alam kong alam niya kung bakit ako nagkakaganun. Alam niyang dahil kay Carlo yun. Kaya ayun, pinagbigyan niya nalang ako. Kaya yung 'break-up' namin, wala lang yun sa amin. Psh. Baka nga masaya pa siya eh."

Tss. Adik talaga 'to. Hindi ko alam kung gusto ko bang batukan o kaya sabunutan 'tong si Kirsten eh.

"Saka alam mo, DJane, malakas ang feeling ko na may kina-iinlove-an yung si Miko eh. One time, nasa GAB Caf kami, tas parang may tinitignan siya sa malayo, maya-maya, nagtype ng pagkahaba-haba sa phone niya. Tapos kapag PE natin, lagi siyang tulala. Parang laging may iniisip, tapos magtatype nanaman sa phone niya. Kapag tinatanong ko siya, ayaw niya namang sabihin. Kaya alam kong may gusto nang iba yun, kasi dati kapag magkasama kami, laging buo ang atensyon niya sakin. Ngayon, hindi na."

Oo nga, madalas kong napapansing nagtatype siya sa phone niya kapag PE.

Nakikinig lang ako sa mga kwento ni Kirsten. Madaldal 'tong pinsan ko na 'to, kaya hindi ka mabobore kasama siya. Kahit 'di ka magtanong, tuluy-tuloy lang yung mga kwento niya.

The InitiationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon