Chapter 24
-Warning-
***MIKO'S POV***
"Anong ibig sabihin ng Kuya mo dun? Ibig sabihin ba nun, okay ako sa kanya?" Inosenteng tanong ko.
"'Wag mo nalang pansinin yun. Weirdo brother. Psh." Sabay irap ni Debbie sa kawalan.
"Come on, spill. What's up with your Dad, anyway?"
"Fine. Remember nung Saturday? Nakikinig ka naman sa mga kwento ng Mom mo, 'di ba, and I know nakwento ko na din 'to sa'yo dati. Carlo is Tito Cit's son. Si Tito Cit ang kasama ni Mom nung day na naaksidente sila. Nasa abroad si Dad for some business negotiation that time. So hindi siya nakasama dun sa medical mission na ginawa ng sorority-fraternity nila..." Patuloy ang pagkekwento ni Debbie habang naglalakad kami papuntang Rob.
"...So wala pang kaalam-alam si Dad nun na naaksidente sila Mom saka si Tito Cit pabalik dito sa Manila. Syempre galit na galit si Dad kay Tito Cit nung nalaman niya, thinking that it was his fault kung bakit naaksidente sila. My Mom died immediately, while Tito Cit was comatose for several days. Maraming nagalit sa kanya from their organization. Sobrang shocked sila sa pangyayari kaya makikitid ang mga pag-iisip nila nun. Nalaman ko pa na pati pala parents mo sumama loob kay Tito Cit. Nakakatuwa nga eh, parents mo pala sila Tita Mariel at Tito Mike."
"Malay ko bang kilala mo sila. Haha. So anong nangyari sa Dad ni Carlo?" Tanong ko.
"He died eventually. I was so young that I barely even remember anything about my Mom. But I knew Carlo by that time. We used to be playmates. Sa pagkakaalam ko, wala rin siyang kaalam-alam nung mga panahon na yun na namatay na rin ang Dad niya. Ang nakakapagtaka lang was pilit akong nilalayo ni Dad kay Carlo. Of course i was young, I didn't know any better kaya malay ko ba kung bakit inilalayo niya ako. But the day came na sinabi din sa akin ni Dad and lahat, sa age na alam niyang maiintindihan ko na ang lahat."
"Nalaman mo kung bakit ka pinalalayo kay Carlo?"
"Yeah. Turns out, masama pa rin ang loob ni Dad kay Tito Cit. Sa sobrang galit niya sa pagkamatay ni Mom, pati ang anak ni Tito Cit na si Carlo ay dinadamay niya. He told me na ayaw niyang makita ni anino ni Carlo sa bahay namin or anywhere near me and my brother."
Sa pagkakakwento ni Debbie, parang medyo nakaramdam ako ng awa para kay Carlo.
"Yung ibang sisters and brothers rin ba nila sa organization, ganun ang pananaw kay Carlo at sa Dad niya?" Tanong ko.
"Well, I really don't know. But last Saturday, pansin ko naman that your parents are okay with them. Ano pa nga bang magagawa nila, Tito Cit's gone na rin naman."
"So sa ngayon, Mom lang ni Carlo ang kasama niya?"
"Yeah. Akala mo lang maangas 'yan si Carlo. Pero malungkot ang buhay niyan."
"Alam ba niyang ganun ang tingin sa kanya ng Dad mo?"
"Sadly, yeah. Pa'no ba naman kasi itong si Dad, may pagkaskandaloso. Nahuli niyang magkasama kami ni Carlo noon. At sa harap ni Carlo, pinalalayo niya ako sa kanya."
"Eh bakit hanggang ngayon nagkakasama pa rin kayo?"
"He knew kung bakit ganun nalang ang trato sa kanya ni Dad. Lumayo siya sa'kin, actually. Ayaw niya daw na nagagalit si Dad sa akin kaya siya na mismo ang lumayo. Pero pasaway kasi ako eh. Ako yung lapit nang lapit sa kanya. Hindi ako sanay na wala siya kasi sabay na nga kaming lumaki."
BINABASA MO ANG
The Initiation
Novela JuvenilEverything happens for unexpected reasons, and one of them expected the unexpected. Miko had it all planned out. But somewhere along the way, something went wrong. He meets Debbie, the key to pass his initiation. Will his plan lead to something he e...
