Chapter 7 - Captivated by Her Smile

877 16 0
                                    

Chapter 7

-Captivated by Her Smile-

***MIKO'S POV***

"No, Dad. 'Di ko po kasama si Kuya ngayon. May class po ata siya."

Si Debbie yun. Sa kanya yung phone na nagring. Dad niya ata yung tumawag at hanggang ngayon, kausap pa rin niya.

"Don't worry, I will........si Carlo po?........no, Dad........promise po........lagi ko pong kasabay si Kuya pauwi........kasama po si Bianca........okay po........sige po. Bye, Dad. I love you po." Sabay binaba na niya yung phone at humarap na ulit sa'kin. Hindi ko pinahalata na nakikinig ako sa kanya.

Ano kayang meron kay Carlo at pati siya napapag-usapan ni Debbie at ng Dad niya?

Come on, Miko, bestfriends sila. Malamang kinakamusta din ng Dad niya yun. =_______=

"Uy, sorry ah. Tumawag kasi si Dad eh. Nag-iinvestigate nanaman sa mga nangyayari sa buhay ko. Haha." Sabi niya.

Dumating na yung order namin at nagsimula na kaming kumain.

"Overprotective ba ang Dad mo sa'yo?" Tanong ko.

"Sobra. Like I said, si Kuya, si Dad, si Carlo, etc. Ganyan sila. Minsan nga nakakairita na eh." Kwento niya.

"Strict ba ang Dad mo?" Tanong ko pa ulit.

"Uhhh...yes."

"So pagdating sa boyfriends, strict talaga siya?"

"Haha. Wait lang. Bakit mo natanong? Well, hindi siya gaanong strict to the point na bawal pa ako magkaboyfriend. Nagkaron na din naman ako before. It's okay with him, basta he likes someone for me na he'll get along with." Kwento niya.

Ano ba 'to? So kailangan makilala ako ng Dad niya???

Wait, ano ka ba, Miko? Hindi mo naman na kailangan magpakilala dun 'no! Sandali mo lang makakasama 'yan si Debbie! Nothing serious.

Pero wait. Sinabi ko kasi kay Sean na dapat maging girlfriend ko lang si Debbie eh. Close pa naman sila. Syempre magkkwento si Debbie kay Sean na nanliligaw ako. Hay!!!!!!!!!!! Bahala na nga!!!

"Ah. Wala lang. Naitanong ko lang. Eh yung Kuya mo pala? Strict din ba siya sa'yo?"

"Speaking of my Kuya. Kailangan ko pala tawagan yun. Wait lang ah." Paalam niya, sabay nagdial sa phone niya.

Bakit ba everytime na magtatanong ako tungkol sa Kuya niya, eh laging may harang??? =_________=

"Hello, Kuya?........sandali lang 'to!........I just want to tell you na kailangan mo 'kong isabay mamaya pauwi........"

Tinititigan ko lang si Debbie habang kausap niya yung Kuya niya sa phone. Nakangisi pa siya na parang inaasar yung Kuya niya.

Ang cute niya talaga. Tapos ang bait-bait pa. Amoy lalaki nga lang siya ngayon. Pero yung mukha niya, parang ang inosente na ewan.

"Well, tumawag lang naman si Dad. He'll call daw later 'pagtapos ng class mo........tapos na class ko eh!........kumakain........anyway, so wala ka munang date mamaya. Wahaha!........psh. Fine! Oo na. Sige bye!"

Makulit din pala siya. Sige, hindi pala siya cute. Maganda siya. Tapos ang ganda niya pa manamit. Nakadenim na blouse siya ngayon at skirt. Tas yung buhok niya nakabun. Babaeng babae tignan.

The InitiationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon