Chapter 46 - Make Out and Let Go

655 14 0
                                        

Chapter 46

-Make Out and Let Go-

***DEBBIE'S POV***

"Hoy!" Bungad ko kay Dave na nakaupo sa sala, sabay bato sa kanya nung bag ko.

"Aray! Anong problema mo?" Nakakunot-noo niyang tanong.

"Ikaw! What were you thinking at bigla-bigla ka nalang manununtok ng tao? Worse, sa harap pa talaga ng maraming tao." Sabi ko habang dinuduro ko pa siya.

Bigla namang kumalma yung mukha ng kapatid ko at ngumisi, "Tss. Si Delgado ba? He deserves it, anyway."

Tumayo siya at ambang aakyat na sa kwarto niya.

"Nakikita mo 'to?!" Tanong ko, sabay turo sa tuhod kong may sugat. Lumingon naman sa akin si Dave at tumingin sa tinuturo ko.

Nanlaki yung mga mata niya, "Ano 'yan?! Kadiri! What happened???"

"Kasalanan mo 'yan! Kung 'di dahil sa ginawa mo, hindi ako pepersonalin ni Miko sa laro namin nung isang araw!"

"What did he do this time?!" Nakakunot nanaman ang noo niya.

"Well, sinadya niya lang namang madapa ako nung PE." Sarcastic kong sagot.

"That asshole! That's it." Sabi niya, sabay pumunta sa sabitan ng susi sa may kitchen. Sinundan ko lang siya ng tingin, hanggang sa namalayan ko nalang na hinihila na niya ako papunta sa sasakyan niya at pinagtulakan ako doon sa loob.

"What the fuck? Saan tayo pupunta? Gabi na, Dave!" Reklamo ko.

Hindi niya ako sinagot at pinaharurot niya nalang yung kotse niya. Ugh! He's heading to the Delgado's again. Shit! No! Gabi na! Most probably, nasa bahay ngayon yun si Miko! Ayoko siyang makita ngayon, please?!

Mabilis na tinabi ni Dave yung sasakyan sa tapat ng bahay nina Miko. Lumabas siya at nagdoorbell. Nangangatog yung tuhod ko, hindi ko rin alam kung bakit. Hinila ako ni Dave hanggang sa loob nung bahay. Sinalubong kami ng parents ni Miko na sina Tita Mariel at Tito Mike. Nag-Psi Chi Phi handshake pa kami bago umupo sa sofa.

"Wala pa si Miko eh. Sorry, I didn't know you'd come. Sana pinauwi ko siya nang maaga." Sabi ni Tita Mariel.

"Okay lang." Simpleng sagot ni Dave. Tss. Sanay na sanay na hindi nag-po-'po' at 'opo' eh.

"Bakit pala kayo naparito nang ganitong oras?" Tanong naman ni Tito Mike.

"Kailangan lang namin makausap nang maayos si Miko." Sagot ni Dave.

Napansin ko namang napatingin si Tita Mariel sa tuhod kong may sugat. Nakashorts lang kasi ako ngayon eh. Pasimple kong tinakpan iyon ng kamay ko, but I guess it's too late.

"Anong nangyari dyan, Debbie?" Nag-aalalang tanong ni Tita Mariel.

"Nadap--"

Pinutol ni Dave yung sasabihin ko, "Bakit 'di niyo tanungin yung anak niyo?"

Ang bastos ng pagkakasagot ni Dave pero parang wala lang talaga dun sa mag-asawa. Normal ba talaga yung mga sagot ni Dave na ganun?

"What did he do this time?" Seryosong tanong ni Tito Mike.

Pero bago pa kami makasagot ni Dave, biglang bumukas ang main door ng bahay nila, at bumungad sa amin ang seryosong aura ni Miko.

Napatigil siya sa paglalakad nang makita kaming lahat doon sa sala.

"What did you do this time?" Tanong ni Tito Mike sa kanya.

"What?" Nagtatakang tanong naman niya.

The InitiationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon