Chapter 31
-He Quits-
***MIKO'S POV***
"Kasi magagalit ako?" Tanong ko.
Tumango siya, "Oo. Alam ko magagalit ka nanaman. Sasabihan mo nanaman akong paano ako makakamove on niyan blah blah blah."
"Ah. That's...uhmmm...good." Yun nalang nasabi ko.
"Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong niya.
"Bakit? Pinauuwi mo na ako?"
"Hindi naman sa ganun. Baka kasi hinahanap ka na nina Tita Mariel."
"Edi sasabihin ko na dito ako matutulog."
Nanlaki yung mga mata niya, "D-Dito ka m-matutulog?"
"Oo. Ayaw mo? Papaalam ako kay Tito Jerome pati kina Mom at Dad. Dito ako matutulog sa ayaw at sa gusto mo. Gabi na rin, delikado magdrive."
Nung una balak ko lang sana siyang lokohin eh. Pero ngayon, naisip ko na totohanin ko nalang.
"Ha?? Doon ka sa guest room!"
"Oo na." Sabi ko, sabay pinatay yung TV.
"Oh, bakit mo pinatay?" Reklamo niya.
"May sakit ka tapos nanonood ka? Magpahinga ka. Matulog ka na para makapasok ka bukas." Utos ko sa kanya.
"O-Okay." Simple niyang sagot na parang tutang natatakot. Haha! Ang cute.
Nahiga na siya at pumikit. Umupo na ulit ako doon sa sahig sa gilid ng kama niya at pinagmasdan nanaman yung mukha niya habang sinusubukang matulog.
"'Wag mo nga akong titigan! Pa'no ba naman ako makakatulog niyan?" Reklamo niya, sabay tumalikod sa akin.
Kinalabit ko siya at hinihila-hila ko yung kumot niya, "Uyyyy. Harap ka dito. Please?"
Hindi siya umiimik.
"Bahala ka, kukulitin talaga kita. Dito ka na humarap oh. Sige na. Kundi tatabihan kita!" Panakot ko.
"Ano ba naman 'yan eh!" Reklamo niya at humarap na sa akin. Nakakunot pa yung noo niya habang nakapikit pa rin.
"Hahaha! Ayaw mo talagang tabihan kita eh 'no?"
"Ewan ko sa'yo." Sabi niya habang nakapikit.
Makatulog na siya pagkatapos ng ilang sandali. Tinititigan ko lang siya. 8:30 na rin pala. Tinext ko nalang si Mommy na hindi ako uuwi ngayon kasi nandito ako kina Debbie. Alam ko namang papayag yun.
May quiz pala ako sa NatSci bukas! Sh1t! Di pa ako nag-aaral. Buti nalang at may copy ako ng powerpoint presentation nung topic na iquiquiz dito sa phone ko.
Nag-aral nalang muna ako habang binabantayang matulog si Debbie. Nakakaantok 'tong topic na 'to! Peste!
---
"Miko? Uy, Miko. Gising ka na." Hay ang ganda ng boses. I could listen to that voice forever.
"Miko, 'di ba may class ka ng 10 am? 8 na oh. Babyahe ka pa."
Unti-unti na akong dumilat. Nakita ko yung mala-anghel na mukha niyang napakalapit sa mukha ko.
"Morning kiss muna." Sabi ko, sabay ngisi.
BINABASA MO ANG
The Initiation
Teen FictionEverything happens for unexpected reasons, and one of them expected the unexpected. Miko had it all planned out. But somewhere along the way, something went wrong. He meets Debbie, the key to pass his initiation. Will his plan lead to something he e...
