Chapter 29 - Absent

583 15 0
                                        

Chapter 29

-Absent-

***MIKO'S POV***

"Buti naman sinabi na sa'yo ng Tito Jerome mo. Nako, kung kami lang ng Daddy mo ang mag-aaya sa'yo, alam naming hindi ka papayag eh." Sabi ni Mommy.

Binalita ko kasi sa kanila ni Dad na inaya ako ni Tito Jerome sa Psi Chi Phi Grand Ball.

"Kung ganun, dapat patahian na natin ng suit itong si Miko." Sabi ni Dad.

"Kailangan pa bang ganun? Hindi ba pwedeng bumili nalang ako sa mall or something?" Tanong ko.

"No. Kailangan unique ang suit mo. Engrande ang event na yun, baby. Dapat gwapong-gwapo ka doon. Plus, first time ka namin formally iiintroduce sa Psi Chi Phi community." Sabi naman ni Mommy.

"Fine. Whatever you say."

"Kailan mo ba balak magpa-initiate, Miko? Maganda sana ngayon na oh. Ayos yung head ngayon eh. Kilala ko na 'yang si Dave Biazon. Mabait 'yan. Lalo na kung alam niyang royal blood ka." Sabi ni Dad.

Actually, mukhang totoo ngang mabait si Dave. Kung masama siyang tao, dapat simula palang nung nalaman niya ang pakay ko kay Debbie, inilayo na niya ako sa kanya or something. Pero hindi eh. Pinapapili niya lang ako as soon as possible. Pero palaisipan pa rin talaga sa'kin kung paano at hanggang saan lang ang alam niya eh.

"Pinag-iisipan ko pa po."

"Okay. Pero ayokong mababalitaan na sa ibang frat ka sasali, ha?"

Nanlaki yung mga mata ko dun. Hindi man sabihin ni Dad, pero halata kong may pagbabanta dun sa paraan ng pagkakasabi niya nun.

"O-Opo. Akyat na po ako sa kwarto ko."

---

"Kung ako kasi sa'yo, cut your connections with Rho Sigma Mu already. Don't show yourself as a quitter. Palabasin mong pinagtripan mo lang sila and you never wanted to join their frat, anyway. Ngayon pa't desidido ka nang hindi mo na itutuloy yung plano mo kay Debbie." Pangungumbinsi sa akin ni Sean. Nandito kami ngayon sa Rob, naglalakad at naghahanap ng makakainan. May klase kasi si Debbie kaya ito ang kasama ko.

Tumigil ako sa paglalakad. Hindi pa nga pala niya alam kung anong totoong initiation task ko, 'no?

"Uhmmm...about that. May sasabihin pala ako."

"Ano yun?"

"H-Hindi yun yung t-totoong initiation task k-ko." Nauutal kong sabi.

"Ano?! Kung ganun, ano yung totoo???"

"I have to...to...devirginize...uhmmm...D-Debbie."

"ANO?!?!?!?!?! TANGINA, BAKIT?!?! SI KURT BA?! SI KURT BA MAY UTOS?!" Galit na galit si Sean.

"Uhmmm...oo. Pero hindi ko na naman itutuloy eh. SInabi ko na naman sa'yo, Sean, eh. Hindi ko kayang gawin kay Debbie yun. 'Wag mo nalang sana sabihin kay DJ para hindi na magkagulo." Pakiusap ko sa kanya.

"ANO BA TALAGANG PROBLEMA NIYA?! WALANGYA! ANO NAMANG MAKUKUHA NIYA PAG GINAWA MO YUN?! ANONG MAPAPATUNAYAN NIYA?!"

"Yun din ang hindi ko alam, pards. Gusto ko ring malaman sana, pero hindi ko alam kung pa'no aalamin. At alam mo bang ang dami ko nang napapansin sa kanila ni DJ? Naaalala mo yung sinabi ko sa'yo nung nasa Starbucks tayo? Ang dami nilang pagkakapareho ni Kurt--sa pananalita, sa porma, sa actions. May alam ka ba sa kanila, pards?"

The InitiationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon