Chapter 23
-Better Together-
***MIKO'S POV***
Sinamaan ko ng tingin ang hayop na kaibigan ko. Teka, ni hindi ko nga alam kung kaibigan ko ba talaga 'tong si Blake eh.
Tumingin sa akin si Debbie na parang nagtataka.
"Anong kukunin mo sa'kin? Importante ba yun?" Inosenteng tanong ni Debbie.
Kalmado lang ako pero deep inside, gustong-gusto ko nang silaban si Blake.
"Uhhh...yung number mo. Hahaha. Tara na, hatid na kita." Hinila ko na siya palayo doon at pinasakay na siya sa kotse ko.
Ugh!! Humanda talaga 'tong Blake na 'to sa'kin mamaya!!
"Uhmmm...Miko." Mahinhing tawag sa akin ni Debbie habang nagdadrive ako.
"Hm?"
"Hindi ko maintindihan yung...dun sa kaibigan mo kanina. Si Blake, tama ba? Bakit...alam niyang kukunin mo number ko?" Dahan-dahan niyang tanong na parang nag-aalinlangan pa.
"Ah. Uhhh...tropa ko kasi sila. Alam nilang may balak akong hingin yung number mo. Nag-uupdate lang siya kung n-nakuha ko na b-ba. M-Matagal na rin kasing 'di updated yun si Blake sa a-akin eh. B-Busy masyado sa mga babae niya." Okay, ang awkward at nakakahiya 'tong pinagsasasabi ko. Pahamak na Blake Fajardo 'to!
Natahimik siya sandali bago magsalita ulit.
"Wait. So, yung pagkahulog at pagkasira ng BB mo was all planned out?"
Nanlaki yung mga mata ko sa tanong niya. Ninenerbyos na ako sa mga nangyayari pero hindi ko nalang pinapahalata. Deretso pa rin yung tingin ko sa daanan.
"You're not responding. So it's true?"
Hindi ko na ata kaya. Hindi ko na kaya! Natatakot na akong magsinungaling pa muli kay Debbie. Parang may pakiramdam ako na gusto ko nang sabihin sa kanya lahat at ayusin na ang lahat pero hindi pwede. Masasaktan si Debbie sa katotohanan.
"Miko." Tawag niya ulit.
"Ano yun?" Medyo kabado na talaga ako kasi konti nalang mamamatay na ako sa kasinungalingan. Konti nalang, baka hindi ko na mapigilang hindi magsabi ng totoo kay Debbie.
"May tanong ako."
"Sige lang." Kunwari'y kalmado lang ako.
"Uhhh...I know this may sound weird and kind of straightforward, but I'll ask it anyway." Nagpause siya sandali.
"May gusto ka na ba sa'kin dati pa? Because the whole BB thing kind of gets into me. Did you do that on purpose para lang makilala ako at makuha ang number ko?" Tanong niya.
Taena ano nang sasabihin ko?! Sa sobrang kaba ko, hininto ko yung sasakyan sa tabi. Hindi ko na talaga kaya.
"Look, Debbie, I never wanted this to happen. But...I...I really am trying...uhmmm..." Napabuntong-hininga ako at napapikit sa inis dahil hindi ko alam kung pa'no sasabihin.
"Miko." Narinig ko nanaman yung boses niyang mahinhin na tinatawag yung pangalan ko.
Tinignan ko siya nang seryoso.
"It was all planned out. I made a way para makilala mo 'ko. I like you, Debbie. But everyone's on my way. Lahat sila hinaharangan ako. Hindi ko na alam ang gagawin. Everything on my plan was ruined." Napasandal ako sa driver's seat at napahawak sa manibela.
"Hindi man klaro yung sinabi mo, alam ko naiintindihan kita. Alam ko pareho lang tayo ng sitwasyon ngayon. Pero Miko, kaya mo 'yan. Just decide kung ano sa tingin mo yung tama." Kinuha niya yung kamay ko at hinawakan yun.
BINABASA MO ANG
The Initiation
Fiksi RemajaEverything happens for unexpected reasons, and one of them expected the unexpected. Miko had it all planned out. But somewhere along the way, something went wrong. He meets Debbie, the key to pass his initiation. Will his plan lead to something he e...