Chapter 8 - Kirsten's Love Fortune

835 17 0
                                        

Chapter 8

-Kirsten's Love Fortune-

***MIKO'S POV***

Naghihintay ako sa Oble Garden ngayon. Break ko kasi eh. Nagbabakasakali akong mapapadaan si Debbie doon sa RH Steps. Sana lang hindi niya kasama yung Carlo.

Napatingala ako. Makulimlim naman dito kasi may mga nakaharang na puno. Pero mukhang uulan din eh. June palang pala. Tag-ulan nga pala ngayon.

Napatingin din ako dun sa tambayan ng PEM. Wala namang tao.

'Pag tingin ko ulit sa entrance ng Rizal Hall, hindi ko inaasahang si Kirsten ang makita ko. Wala kasi kaming class na magkaklase kami ngayong araw eh. Nilapitan ko naman siya.

"Sten!" Tawag ko sa kanya.

"Uy! Mikoko Martin! Hahahahahaha."

Natahimik ako at binigyan siya ng poker face. Napakacorny niya. Tawang-tawa pa siya sa sarili niyang joke. =___________=

"Pasalamat ka maganda ka kaya pinagbigyan kita dyan sa joke mo ah." Sabi ko.

"Ito naman! Minsan lang ako magjoke eh. KJ?! Hahaha. Pero ang benta kaya! Hahahahaha." Tawa pa rin siya nang tawa. May pahampas-hampas pang nalalaman sa braso ko.

"Corny. Ano ba 'yan? Uy, tara lunch tayo! Break mo rin 'di ba?" Aya ko. Mukha namang hindi ko makikita si Debbie ngayon eh. May class siguro.

"Oo, break ko din. Sige ba! Tara! Libre mo ah!" Sabay-hila sa akin ni Kirsten. Parang si Debbie rin 'to eh. Ang hilig magpalibre lalo na 'pag pagkain. Mayaman din 'to si Kirsten eh. =__________=

Naglakad na kami palabas ng school. Hindi ko alam, pero nung nasa sidewalk na kami, hindi ko maiwasang tumingin dun sa RH steps. Nagbabakasakali akong lumabas si Debbie galing sa loob ng RH.

Nagulat naman ako na lumabas nga siya doon. Kaso may kakaiba sa kanya ngayon. Kitang-kita ko kahit malayo ako sa kanya na malungkot siya. Wala yung smila niya na lagi kong nakikita.

"Mikoko! Oy! Ano ba yan? Absent-minded??" Pambubulabog ni Kirsten.

"Ha? Ah...sorry. Ano ba yun?" Tanong ko.

"Ano ba kasi yung tinitignan mo dun sa loob? May nakalimutan ka ba? Gusto mo balikan muna natin?" Tanong niya naman.

"Wala ah. May nakita kasi ako." Seryosong sabi ko.

"H-ha? A-anong nakita m-mo?" Halata mong natatakot na siya.

"Alam mo namang maraming nagpaparamdam dyan sa CAS, 'di ba?" Seryoso pa rin ako.

Nagnod siya na mukhang natatakot na talaga.

"M-miko, nakakakita ka b-ba?"

"HAHAHAHAHA. Ang duwag mo talaga, Kirsten! Naniwala ka dun??? Hahaha." Tawa na ako nang tawa tapos si Sten, mukhang asar na asar.

"Baliw ka talaga! Kainis! Ayoko na nga. 'Wag mo na 'ko ilibre!" Sabi niya nang nakakunot yung noo, at ambang aalis na.

Hinarangan ko siya para hindi makaalis.

"Uy joke lang kasi, Sten. Sorry na." Sabi ko.

"Alis ka nga dyan sa harap ko!" Sabi niya, sabay sinubukang makalagpas sa akin. Kasi hindi ko talaga hahayaang mangyari yun.

"Tara na kasi. Kain na tayo." Sabi ko, at hinawakan siya sa kamay nang mahigpit para hindi makatakas.

"Baliw ka naman kasi eh! 'Wag mo nga akong tinatakot nang ganun!" Sabi niya habang nakapout pa.

The InitiationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon