Chapter 34 - What The Hell?

608 15 0
                                        

Chapter 34

-What The Hell?-

***MIKO'S POV***

"I'm glad you made a good decision." Dagdag ni DJ bago pa ako talikuran.

Alam kong narinig niya yung mga sinabi ko kay Zeke. Masaya siya sa naging desisyon ko. Masaya siya dahil hindi na kailangan pang madamay yung kapatid niya dito.

Umakyat na ako dun sa kwarto ni Debbie, dala yung chocolates.

"Tagal mo naman. Ikaw na ba naghugas nung pinagkainan natin? Haha!" Bungad ni Debbie pagpasok ko ng kwarto.

"May tumawag kasi sa akin kaya natagalan. Sorry." Sabay abot ko sa kanya nung Hershey's. "Kainin mo 'yan para magwork nang maayos yung brain mo, saka para na rin hindi ka makatulog dyan sa inaaral mo."

"Thanks."

Lumipas ulit ang ilang oras. Tapos na si Debbie dun sa inaaral niyang PolSci readings para sa exam niya bukas. Nag-aadvance studying naman siya sa NatSci para sa exam niya naman on the next day. Ako naman, pigang-piga na ang utak ko dahil inaayos ko talaga 'tong paper ni Debbie. Ang hirap pala kapag nakagawa ka na ng sarili mo. Hayyy.

"Mahirap ba?" Tanong niya. Tumayo siya sa kama niya at lumapit sa akin dito sa sofa.

"Uhmmm...nahirapan lang ako kasi ayoko namang mahalata ng prof na halos pareho yung gawa natin. But I'm still doing good."

"Sorry, ha? Sabi ko kasi sa'yo kaya ko naman eh." Sabi niya.

Hinawakan ko yung kamay niya at hinila siya papalapit sa akin. Napalakas yung hila ko kaya napaupo siya sa akin. Pinulupot ko yung braso ko sa baywang niya.

"Hey, I insisted. Don't worry, isa lang 'to oh. Ikaw nga dyan may isa ka pang subject na aaralin. Tapos may dalawang papers ka pa na gagawin. Walang-wala 'tong ginagawa ko sa ginagawa mo." Sabi ko.

"Ikaw ba, wala kang exams?" Tanong niya.

"Meron. Bukas. But I'm done studying, don't worry."

"Umuwi ka na kaya? Baka hindi ka pa makasagot niyan eh."

"Tatapusin ko lang 'tong paper mo. Saka babantayan kita habang nag-aaral habang hindi ka pa tapos. Then, I'll go home."

"Fine."

Tumayo na siya at bumalik dun sa kama niya para mag-aral. Nakadapa siya habang nagbabasa. In no time, alam kong makakatulog na siya.

Tinuloy konlang yung ginagawa ko. Natapos ko yung paper around 12 am. Nang tumingin ako kay Debbie, hindi ako nagkamali. Tulog na nga siya. May hawak pang ballpen. Pinrint ko lang yung paper at inilagay sa bag niya yun para di niya makalimutan. Hindi ko na siya ginising. Hinalikan ko nalang siya habang tulog, bago ako umalis. 

The InitiationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon