Chapter 41 - There's Still Time

544 13 2
                                    

Chapter 41

-There's Still Time-

***DEBBIE'S POV***

"Ba't ngayon ka lang?" Bungad na tanong sa akin ni Dave nang dumating ako sa bahay. Napatayo pa siya sa sofa nang makita niya ako.

Hindi na ako sumasabay sa kanya pauwi. I'd rather take the bus and FX pauwi kesa pakisamahan siya habang masama pa ang loob ko sa ginawa niya.

Inirapan ko siya, "Traffic."

"Nagkausap na ba kayo ni Delgado?"

"Why do you even care? Let me just tell you na i-pull out mo na ako sa sorority ng Psi Chi Phi. He didn't fall for me, David! I wasn't successful sa bullsh1t na plano mo!" Galit na galit ako sa kanya. This is his fault for pushing me kay Miko. And partly my fault dahil nagpauto ako sa lecheng kapatid ko.

"I'm sorry, okay? I didn't know na may tendency kang magfall dun sa lalaking yun. All I was sure of was the fact na confident akong magfafall siya sa'yo! After all, alam ko namang kay Carlo ka in love eh."

"Well, I've got news for you, brother! I'm already in love with Miko! I'm sorry if your stupid plan did not work out! Goddamnit!" Naiiyak na ako sa sagutan namin nitong Kuya ko. UGH!

"He's in love with you, too, DJane! Ano bang pumasok sa utak mo at naisip mong hindi siya in love sa'yo?" Taas-kilay niyang tanong.

"Wow, haven't you heard? Ikaw nalang ata ang hindi nakakaalam eh! Nauna kang umuwi sa akin dito sa Pilipinas, 'di ba?! Why the hell hindi mo pa alam?! Sila na ni Sten, David! For heaven's holy sake, sila na!" Tumutulo na yung luha ko, kasabay ng pagsigaw ko kay Dave. I don't really care kung marinig nung mga maids namin. Besides, wala rin naman si Dad. He's still in the States.

"Kirsten?! As in, our cousin, Kirsten???" Nagtatakang tanong nitong napakaclueless na kapatid ko.

"Oo! Ang sakit, 'di ba?! Sarili kong pinsan ang girlfriend ng boyfriend ko ngayon! Oh, wait, malamang EX na! Now, tell me na nagfall nga talaga si Miko sa akin! Tell me, Dave! Tell me!!!"

Bigla akong hinawakan ni dave sa magkabilang braso, "Debbie, listen to me! I know. I know na mahal ka ni Miko! I'm goddamn sure na in love din siya sa'yo! Hindi mo ba naramdaman yun?! Or maybe,..........you just don't love him enough para hindi mafeel yun."

Binitawan na niya rin ako pagkatapos nun. Umakyat na siya sa kwarto niya, at iniwan akong nakatayo at tulalang umiiyak dun sa sala. Really? He really thinks I don't love Miko enough? Would I cry this way kung hindi ko siya ganun ka-mahal?

Matapos ang ilang minuto ay umakyat na rin ako sa kwarto ko. Pakiramdam ko pagod na pagod ako ngayong araw na 'to kahit na wala naman akong pinasukang klase. Nag-online ako para magtanong kay Tori kung may pinagagawa ba sa Philo class. Buti nalang at wala daw. Sinabi lang daw nung prof sa kanya na sabihan ako na pumasok na sa next meeting.

Papatayin ko na sana yung computer ko, nang makita ko sa news feed ang status ni Miko.

Miko Miguel Delgado

Still @ school with my girl --with Kirsten Amaro

Nakatag pa talaga si Sten. Naiyak nanaman ako. Ugh!! Ang tanga mo naman kasi, Debbie eh! Tinignan ko yung mga comments. High school friends ata nila 'to.

"Wow, pare! Sa wakas!! After 6 years, naging kayo na! Hahaha. Congrats! Painom ka naman dyan!"

"Wooh! Finally! Kayo na! <3"

"At last!!! Nai-push na ang MikSten! Sabi na eh! Kayo na talaga!"

AYOKO NA!! Stop, Debbie!! Don't read those crap!

The InitiationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon