Chapter 54 (Part 2) - Wounded and Washed

712 21 2
                                    

Chapter 54 (Part 2)

-Wounded and Washed-

***DEBBIE'S POV***

Nakakarinig na ako ng mga busina ng iba't-ibang mga sasakyan. Ibig sabihin, nasa city na kami. May kakaiba rin akong naramdaman kasi kanina bago ako makatulog eh flat ang ulo ko sa upuan. Pero ngayon, may unan ata akong hinihigaan.

Unit-unti kong dinilat yung mga mata ko, only to find out na nakahiga pala ako sa lap ni Miko. Like, how did this happen?! Dahan-dahan kong pinilig yung ulo ko para tignan si Miko. Nakita kong nakahalukipkip siya habang nakayuko at nakapikit. Mukhang tulog.

Bumangon na ako at inayos ang sarili ko. Lumapit ako sa driver's seat at tinanong si Manong, "Kanina pa po siya tulog?"

"Medyo. Nung nagising kasi siya at nakita kang tulog, lumipat siya sa tabi mo, tas pinatong yung ulo mo sa kanlungan niya." Kwento ni Manong.

"Ah, ganun po ba?" Napakamot nalang ako sa ulo ko.

Pagbaling ko sa kanan ko, gising na pala si Miko.

"Bakit hindi mo ako ginising nung matutulog ka na?" Tanong niya.

Nag-iwas ako ng tingin, "What for? Matutulog nalang ako, mang-iistorbo pa ako ng tao."

"Hindi pang-iistorbo yun kung ako mismo ang nagsabing gawin mo."

Wala akong maisagot dun. Tss. He won, okay fine.

"Uhh...Debbie, Miko, dadaan muna tayo ng Jollibee nang makaain kayo, ha? Drive-through nalang. Para may lakas kayo sa laro niyo mamaya." Singit ni Manong sa amin habang nagdadrive.

Ayun nga, umorder na kami sa Jollibee sa Katipunan. Dumeretso na kami sa UPD. Kumain muna kami ng breakfast sa jeep habang hinihintay ang hudyat ng pagtitipon ng lahat ng sections sa Sunken Garden. Dito kami pumwesto sa tapat mismo ng Sunken Garden para makita namin yung iba.

Matapos namin kumain ay pupunta na dapat kami ni Miko doon sa assembly area kahit 'di pa naman magsisimula, pero bigla kaming tinanong ni Manong, "Ano, babalik na ba ako sa Nasugbu, o hihintayin ko pa kayo?"

"Pahintay nalang po. Babalik po ako doon. Tulog po muna kayo, Manong." Sabi ko.

"A-Ako rin po babalik. Sige ho." Sabi naman ni Miko.

Nagsimula na kaming maglakad ni Miko. Nasa unahan ako at naroon siya sa likuran ko. Noong una, hindi kami nag-iimikan. Pero hindi niya ata natiis kaya nagsalita na siya.

"I read your note."

Napatigil ako sa paglalakad.

"I wasn't sleeping no'ng mga oras na yun." Pagpapatuloy niya.

Agad akong napalingon sa kanya, "Pa'no mo nalamang nandoon ako? Eh nakapikit ka nun ah."

"I will never forget your smell, Debbie. Amoy mo palang, alam kong ikaw na yun."

"Then why were you pretending to sleep kung alam mong nandun pala ako?!" Kunot-noong tanong ko.

"Kasi alam kong aalis ka nanaman. Iiwas ka nanaman. Ayos na sa aking makasama ka ng ganun katagal kahit na alam mong tulog ako."

Bigla kong naalalang hinalikan ko nga pala siya nun. Napaiwas ako ng tingin at napapikit kasi nagflashback sa akin yung ginawa ko. Agad akong tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad.

The InitiationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon