Chapter 43
-Bianca Tells All-
***DEBBIE'S POV***
Ilang araw kong dinamdam yung mga sinabi sa akin ni Miko. I was the one who walked away from him first. Pero ginawa ko lang naman yun para makapag-isip-isip eh. Was he really listening to me? O baka naman sa galit niya sa akin ay ayaw na niya akong pakinggan?
Tinetext ko siya lagi, usually mga 'I miss you, Miko.', 'Masakit, pero umaasa pa rin akong magrereply ka.', etc.
Hindi pa rin pala ako sumasabay kay Dave pauwi at papasok. Naging cold na ulit ako sa pakikitungo sa kanya dahil sa nangyari nung isang araw. Busy din naman siya ngayon sa acads para mapansin na may tampo at galit pa rin ako sa kanya. Graduating na kasi kaya busy.
"Nagrupo ko na kayo randomly at nakapag-assign na rin ako ng organizations kung saan kayo madedeploy." Sabi nung prof namin sa NSTP. Lilingon-lingon ako, pero wala si Miko. Hindi siya pumasok. Or baka late lang? Ewan ko. Hindi ko rin alam.
"Debbie, si Miko?" Tanong ni Skye. Freshie lang siya pero hindi na siya nag-a-'Ate' sa akin. Pa'no ba naman kasi, nalaman ko na halos ka-edad na namin siya, kaya pinatanggal ko na yung Ate. Saka si Zeke naman ang boyfriend niya. Eh ka-edad lang din namin yun.
"H-Ha? Ah, hindi ko alam eh." Sagot ko na nag-iiwas din ng tingin.
"Akala ko pa naman magkakaayos na kayo. Naikwento kasi sa akin ni Zeke na kinausap mo daw si Miko nung isang araw."
Hindi talaga kami nakikinig sa prof namin.
"Ah, oo, nagkausap kami. Pero wala namang nangyari eh. Alam mo yun, parang galit na galit talaga siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit." Napabuntong-hininga pa ako.
"Biazon, Delgado, Moreno, Santos. Kayo ang magkakagrupo. Kunin niyo dito yung address nung pagdedeployan niyo." Sabi nung prof namin. Kapag sinuswerte ka nga naman sa groupmates oh.
"Ako na kukuha." Sabi ko, sabay tayo para kunin yung address kay Sir.
Binasa ko kaagad iyon habang pabalik sa upuan ko. Bwisit! Ang layo nung deployment namin. Sa Quezon City pa. Tapos kailangan nandoon na kami by 8 am.
Ito kasi ang second part ng NSTP namin--ang deployment sa iba't-ibang non-government organizations. So imbes na magklase kami sa loob ng school, pupunta kami every Saturday sa deployment namin, at yung mga maghahandle sa amin ang magbibigay sa amin ng grade.
Pagtapos ng class na yun, may isa pa akong class. Parang gusto ko ngang hatakin yung oras eh. Gusto ko nalang umuwi for some reason. Maybe dahil napapagod ako sa mga nangyayari. Nasstress out ako masyado. Dumaan muna ako sa tambayan ng Psi Chi Phi para kumamay at magpaalam sa mga brods at sisses ko. Aalis na sana ako, pero bigla akong tinawag ni Bianca.
"DJane." Mahinahon niyang sinabi.
"Hm?"
"Pwede ba tayong mg-usap? Kailangan mo na bang umuwi?" Tanong niya habang nakahawak sa isang braso ko.
"Hindi naman kailangan. Okay lang, sige. Tungkol saan ba?" Tanong ko naman.
"About your brother." Sagot niya. Nanlaki yung mga mata ko. Did they break up? Wala na ba sila? Bakit naman kasi namin pag-uusapan yung Kuya ko?
Hinila niya na ako papuntang Rob. Mabilis kaming naglakad. Nakakahingal nga eh. Palibhasa mahilig sa fun run itong si Bianca, kaya sanay na siya sa mabilisang kilos eh. Doon kami sa Coffee Bean & Tea Leaf dumeretso. Sabi niya peaceful daw dito kaya dito nalang daw kami mag-usap.
BINABASA MO ANG
The Initiation
Novela JuvenilEverything happens for unexpected reasons, and one of them expected the unexpected. Miko had it all planned out. But somewhere along the way, something went wrong. He meets Debbie, the key to pass his initiation. Will his plan lead to something he e...