Chapter 52
-His Revenge For Her-
***DEBBIE'S POV***
Naging busy ako for the past days kasi nagsusunod-sunod nanaman yung mga exams. Hindi rin ako pumasok for two weeks sa PE. Kaya two weeks na rin kaming walang encounter ni Miko. Hindi ako dumadaan sa Department of Biology hallway kasi alam ko doon ang Tambayan nila ni Zeke. Matinding iwas talaga ang ginagawa ko.
"Tuloy na tuloy na daw yung finals natin sa PE sa Feb 23. Next next Sunday na yun." Balita ni Bret sa akin.
Nandito kami sa RH Steps, nakatambay. Masarap kasi hangin ngayon dito. Nagbabasa ako ng readings habang si Bret naman ay umiinom ng juice sa tabi ko.
"Ah, ganun ba?" Medyo wala kasi akong pakialam sa kahit anong bagay sa mga oras na 'to.
"Uhhh...Debbie." Parang naghehesitate pa yung tono ng boses ni Bret.
"Oh?" Tinignan ko siya.
"Mahal mo pa rin ba siya?"
Nag-iwas ako ng tingin. Hindi talaga ako komportable kapag tinatanong yun sa akin.
"Bakit mo natanong?"
"Wala lang. Para alam ko kung may pag-asa pa ba ako." Sabi niya.
"Ah."
"Meron pa nga ba?" Tanong niya.
"Lahat naman ng tao may chance at pag-asa eh." Vague na sagot ko.
"I want an exact answer, Debbie. Hindi kasi ako yung tipo ng lalaki na umaasa at nananatili sa tabi ng babaeng ayaw naman sa akin."
Kumunot yung noo ko doon sa sinabi niya.
"Wala naman akong sinasabing ayaw ko sa'yo, Bret. Unsure pa kasi ako as of now. So kung sabihin kong wala kang pag-asa, iiwan mo rin ako?"
"Debbie, hindi ako masokista. Hindi rin ako reserve. Ayoko rin namang saktan ang sarili ko. Alam kong mahal mo pa rin si Miko. At kung mananatili pa ako sa tabi mo, ako nang ako lang ang masasaktan. Lalo na kung magkabalikan pa kayo ni Miko sa harap ko."
Binaba ko yung highlighter na hawak ko, "Alam mo, hindi ko alam kung ever since, naging sincere ka ba sa feelings mo sa akin eh. The way you stress on your point, narerealize ko na ang selfish mo pala."
Nakuha pa niyang ngumisi at tumingin sa malayo.
"So I guess this means wala nga akong dapat asahan sa'yo. Mahal mo pa rin si Miko, and I don't think I can change that."
Seryoso ko siyang tinignan. Hindi ko alam kung mababadtrip ba ako sa kanya o ano eh.
"So this means goodbye?" Tanong niya.
Okay, naiinis ako ngayon. Parang gusto ko siyang bigwasan sa mga sinasabi niya. Ni wala akong masabi dahil sa inis ko sa kanya eh!
"Fine. I'm cool with that." Nakangisi pa rin siya at tumayo doon sa RH Steps, dahilan para mapatingala ako sa kanya.
"What the actual fuck?" Bulong ko sa sarili ko.
Binulsa niya yung magkabilang kamay niya habang nakatingin kay Oble, "Hayyy. Akala ko pa naman magiging girlfriend ko na ang prinsesa ng Psi Chi Phi."
BINABASA MO ANG
The Initiation
Fiksi RemajaEverything happens for unexpected reasons, and one of them expected the unexpected. Miko had it all planned out. But somewhere along the way, something went wrong. He meets Debbie, the key to pass his initiation. Will his plan lead to something he e...
