Chapter 53
-Nang Dahil sa Susi ng Kwarto-
***DEBBIE'S POV***
"So tuloy na tuloy na nga tayo sa February 22 to 23 sa Nasugbu, Batangas. Maaga tayong aalis dito sa 22, ha? Naka-jeep lang tayo at sobrang matagtag ang byahe, so prepare yourselves." Sabi ni Sir.
Natuloy nga itong urgent meeting namin. Dinidiscuss niya yung mga plano para sa immersion namin next Saturday and Sunday.
"Sir, bakit naman jeep lang? Wala bang bus or something?" Tanong nung isang nag-iinarte naming kaklase.
"Wala kang magagawa, yun lang ang meron. 'Wag ka nalang sumama kung ayaw mo." Simpleng sagot sa kanya ni Sir.
"Nasugbu? 'Di ba maraming resort doon, Sir? Pwede ba kaming magswimming?" Tanong naman nung isa pang kaklase ko.
"Immersion ho itong pupuntahan natin, mga hijo at hija, ha? Hindi po tayo pupunta dun para magpakasaya. Kaya nga immersion eh. Ipaparanas sa inyo yung buhay nila doon. At wala nang resort sa parte na pupuntahan natin. Dulo na yun, pero may dagat pa rin. Actually, may dagat yung village na pupuntahan natin." Sabi ni Sir.
"So pwede nga po kaming magswimming?" Excited na tanong ng isa pa naming kaklase.
"Ugh! Hindi niyo ba talaga naiintindihan ang point ng immersion??? Natutuyuan ako ng dugo sa inyo ah." Reklamo ni Sir.
"Kahit after the immersion? Bago umuwi? Sige na, Sir, oh." Pangungumbinsi pa rin nila.
"Ate Debbie, pilitin mo naman si Sir oh. Alam naman naming malakas ka sa kanya eh. Sige naaaaa." Pilit naman nila sa akin.
Pero bago pa ako makasagot ay nagsalita na si Sir.
"Subukan niyong ipakulit ako sa makulit na 'yan! Hay nako! Umalis na nga kayo! Next week nalang ulit ang meeting natin, para three days before the immersion. Final reminders and announcements nalang, okay?"
"Yes, Sir."
"Sige na, magsialis na kayo." Utos ni Sir.
Tumayo na kami isa-isa para lumabas ng classroom, pero nagulat ako nang bigla akong tinawag ni Sir.
"Biazon, sandali lang."
Napalingon ako, "Bakit po?"
"Nasa'n si Delgado?"
Oo nga 'no? Hindi nga siya umattend ng meeting na 'to. Bakit kaya? O baka naman hindi lang siya nasabihan tungkol dito?
"Hindi ko po alam, Sir."
Tumango-tango naman siya.
"Yun lang po ba, Sir? Pwede na po akong umalis?" Tanong ko.
"Hmmm...Parang wala ka ata sa mood ngayon? Hindi ka nangungulit, tapos ang seryoso pa ng mukha mo." Pagtataka niya, "Anyway, i-eexplain ko sana sa inyo ngayon ni Delgado kung pa'no ang magiging sistema niyo sa immersion, kaugnay nung PE schedule conflict niyo. Eh kaso wala naman si Delgado dito."
"Sabihin niyo nalang po sa akin, para at least, isa sa amin napagsabihan niyo na. Sabihin niyo nalang sa kanya kapag nagkasalubong kayo somewhere." Suggestion ko.
Nag-isip siya sandali, "Ah, alam ko na. Great idea! You just tell him kung anong gagawin niyo. Since 'di siya nakapunta ngayon, I'll assign you to inform him nalang. Clear?"
BINABASA MO ANG
The Initiation
Fiksi RemajaEverything happens for unexpected reasons, and one of them expected the unexpected. Miko had it all planned out. But somewhere along the way, something went wrong. He meets Debbie, the key to pass his initiation. Will his plan lead to something he e...
