Chapter 47
-He's Sorry-
***DEBBIE'S POV***
"Dad, ano pong ginagawa niyo dito?" Nanlalaking matang tanong ko.
Kumunot yung noo niya.
"Uh...I mean, you're back! Kanina lang?" Pinilit kong ngumiti.
Seryoso yung mukha niya, "Kagabi pa. Sinundo ako ng Kuya mo personally."
"K-Kagabi?" Nauutal kong tanong.
Eh nanggaling kami kina Miko kagabi ah?
Naupo ako doon sa kabilang side ng dining table para magbreakfast. Uminom muna ako ng tubig. Natetense na ako.
"Sinundo niya ako kagabi pagkagaling niyo kina Mike."
Muntik na akong mabilaukan sa sinabi ni Dad. THIS. IS. THE. END. OF. ME.
"I already know what happened, DJane. Dave told me everything. So, don't act like you're okay." Deretso ang tingin ni Dad sa akin.
Napayuko naman ako. Nahihiya ako kay Dad. Proud na proud pa naman kami ni Miko nung Psi Chi Phi Grand Ball na kami na. Binalita pa namin sa parents namin and all. Hayyy. Now, what happened?
"I'll talk to Mike and Mariel as soon as I get some rest. Their son has to pay for this--for hurting my daughter."
"Dad, please? 'Wag na. They already know what happened, and I know they've been punishing Miko ever since they found out. I saw how mad Tito Mike is until now." Pagrarason ko.
Marahas na nilapag ni Dad yung kubyertos niya sa glass na dining table namin, "Don't tell me what to do, DJane! Kung pakiusapan mo ako, parang walang ginawang masama sa'yo yung Miko na yun ah!"
"Pareho lang naman kaming nagkamali, Dad. It was just fair. Why don't you ask Dave kung anong pinagawa niya sa akin para makapasok ako ng Psi Chi Phi?!"
"Bakit ko pa tatanungin si Dave? I was there on your formal rite of initiation! Malamang alam ko na kung anong pinagawa niya sa'yo!"
"Well, you're missing out on something, Dad. Might as well ask Dave talaga." Tumayo ako dun sa dining table, "I have to go. May class pa po ako."
Umalis na ako doon. I don't want to have a worse argument with my Dad right now. Papasok pa ako. Dun nalang ako sa school kakain. Naligo na ako at umalis kaagad. Hindi na ako nagpaalam kay Dad. Malamang nagpapahinga na yun ngayon.
Dumating ako sa school nang maaga. Kaya dumeretso ako kaagad sa department kung nasaan yung NSTP prof namin.
"Sir, please? Sige kayo, baka lagi lang kaming mag-eskandalo doon sa organization na yun. Nakakahiya lang." Pilit ko sa prof namin.
"Mag-eskandalo kayo, eh 'di bababa grade niyo. Sige, kayo rin." Pangongonsensya niya naman.
"Ehhhh! Sir naman eh. Please? Ayoko lang po talaga ng gulo. The only way to settle this is to stay quiet and stay away from each other." Pakiusap ko pa rin.
"Si Delgado ba 'tong tinutukoy mo? Hay nako! Dapat 'yang mga personal issues niyo, hindi niyo dinadala sa klase! Sige, ganito, papayagan kitang lumipat sa ibang grupo, pero kung may mapapakiusapan kang makipagpalit sa'yo, saka ka lang lilipat."
"Nako, sige, Sir! Kayang-kaya ko yun! Sige po, see you later sa NSTP class! By that time, may napakiusapan na ako." Confident kong sinabi sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Initiation
Teen FictionEverything happens for unexpected reasons, and one of them expected the unexpected. Miko had it all planned out. But somewhere along the way, something went wrong. He meets Debbie, the key to pass his initiation. Will his plan lead to something he e...