Chapter 45
-Sakitan-
***DEBBIE'S POV***
Iniwan na nga ako ng tuluyan ni Miko sa parking lot ng MOA. Kung saan siya pumunta? Hindi ko rin alam dahil hindi ko na siya sinundan. Wala na akong lakas para gawin pa yun. Halos mapaluhod na nga ako sa kakaiyak doon eh. Dinial ko nalang yung number ni Sean sa phone ko.
"Hello?" Sinagot niya kaagad yun.
"H-Hello, S-Sean? N-Nasan k-ka ngayon? N-Nakauwi k-ka na b-ba?" Nauutal-utal pa ako kasi kakarecover ko palang sa pag-iyak.
"Uy, umiiyak ka ba??? Nasa'n ka ngayon? Nagdadrive ako ngayon pauwi. Nandito na ako sa Roxas Boulevard. Nasa school ka pa ba? Gabi na ah. Balikan kita?" Sunod-sunod yung mga sinabi niya.
"N-Nasa MOA a-ako ngayon, s-sa may p-parking lot m-malapit sa iMax. P-Pasundo naman a-ako, p-please? I-I need y-you." Naiiyak nanaman ako.
"Sige sige. Papunta na ako dyan. Hintayin mo 'ko. Dyan ka lang." Binaba niya kaagad pagkasabi niya nun.
Naupo nalang ako dun sa gutter ng parking lot, habang naghihintay kay Sean. Bakit nga ba siya ang tinawagan ko? Well, I know for a fact na matagal nang hindi si Carlo ang knight in shining armor ko. Simula nang nagpresinta si Mikong maging knight in shining armor ko, bestfriend, at lahat-lahat na, siya na ang naging sandalan ko. Pero ngayon, hindi niya magagampanan ang mga iyon dahil siya mismo ay bumitaw dun sa mga pinangako niya. Ayoko na rin naman istorbohin si Carlo. Alam ko namang problemado din yun ngayon kay Kirsten. Kapag nagsama kaming dalawa, baka sumabog lang kami sa kadramahan. Ayoko rin naman kay Dave umasa. Naiinis lang ako sa kanya. Kaya si Sean lang talaga ang choice ko.
Naiinis na ako sa mga luha ko ah. Tulo sila nang tulo, kaya punas din ako nang punas. Kaya naman tumingala nalang ako para maiwasang dumaloy sila nang dumaloy. Humangin nang malakas. Normal lang naman 'to, actually, since malapit lang naman 'to sa seaside.
"Mom, I know you're there." Bulong ko dun sa hangin.
"Tulungan mo naman po ako oh. Magkakaayos pa naman po kami ni Miko, 'di ba? Hayyy. I love him, Mom. Alam mo naman po yun eh." Kinakausap ko talaga si Mom kapag ganitong humahangin. Alam ko kasing nandyan lang siya eh.
"Should I give up, or will I still fight for him, kahit na naggigive up na rin naman siya sa amin?" Tanong ko kay Mom.
"Give up."
Nagulat ako nang may sumagot. Agad naman akong lumingon at napatingala dun sa lalaking nasa likuran ko. Nakatayo siya roon habang malayo ang tingin at yung mga kamay niya ay nasa loob nung bulsa niya.
"Sean." Banggit ko sa pangalan niya.
"Just give up, Debbie." Mungkahi niya, sabay seryosong tumingin sa akin.
"B-Bakit?" Nagulat rin kasi ako sa sinasabi niya. Thinking that he's Miko's bestfriend, hindi ba dapat kinoconvince niya pa ako na 'wag mag-give up?
Naupo muna siya sa tabi ko bago magsalita, "Ilang beses ka na niya hindi pinakinggan sa mga explanations mo? Ilang beses ka nang naghintay? Ilang beses ka nang umiyak? Ilang beses ka na niyang iniwasan? Can't you see it, Debbie? He's giving up on you. Have you ever wondered or even thought of the fact na siya rin naman eh may kasalanan dito, at hindi lang ikaw? Kaya bakit mo pa siya hinahabol, when you know that it's the fault of the both of you. Well, not fault naman, pero you both engaged in the situation na hindi kayo sigurado kung anong kalalabasan. As I can see, you've already done your part, Debbie. 'Wag mo na siyang habulin. That's enough for you."
BINABASA MO ANG
The Initiation
أدب المراهقينEverything happens for unexpected reasons, and one of them expected the unexpected. Miko had it all planned out. But somewhere along the way, something went wrong. He meets Debbie, the key to pass his initiation. Will his plan lead to something he e...