Chapter 39
-She's Back-
***DEBBIE'S POV***
Hinihintay ko si Miko ngayon dito sa likod ng College of Medicine. After a month of staying and thinking of things sa States, I finally decided to come back. Nagpaiwan ako kay Dave doon last week. I just hate him and his plans. Buti at pumayag si Dad na magstay ako doon.
10 minutes na ang nakakalipas, wala pa rin si Miko. Nagulat ako ng biglang sumulpot si Carlo dito. Kung pa'no niya nalamang nandito ako, hindi ko rin alam. Sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Kausapin mo naman ako oh. DJane, please?"
Hinawakan niya ako sa braso.
"Bakit ba, Carlo? Umamin ka na kay Sten, 'di ba? Ano pang kailangan mo sa akin?" Tanong ko sa kanya.
"I love you, DJane!"
What the hell? Nanlaki yung mga mata ko. All this time, ang buong akala ko bestfriend lang tingin niya sa akin.
"Mahal mo din ako, 'di ba?" Tanong ni Carlo.
Tahimik lang ako. I really don't know what to say.
"DJane, sagutin mo naman ako oh. Mahal mo ba ako?!" Sigaw niya sa akin.
"OO, CARLO! MAHAL KITA! MAHAL NA MAHAL! NOON PA!!! ANO, MASAYA KA NA?!"
Napilitan akong sabihin iyon sa kanya dahil naiirita na rin ako.
"So bakit mo sinagot si Miko?! In the first place, DJane, alam mo namang virginity mo lang ang habol niya sa'yo para makapasok siya dun sa pesteng fraternity na yun! Pero anong ginawa mo, nilapit mo pa lalo ang sarili mo sa kanya! Nahihibang ka na ba?! Pinapahamak mo lang yung sarili mo! Bakit naging kayo?! Bakit mo ginawa yun?!"
Napipikon na ako sa mga tanong niya. Kaya nasigawan ko tuloy siya.
"DAHIL YUN ANG KAILANGAN KONG GAWIN PARA MAKAPASOK NG PSI CHI PHI, CARLO! IYON ANG PINAGAWA NI DAVE SA AKIN! BUONG AKALA KO YUN LANG TALAGA ANG GAGAWIN KO! AKALA KO MADALI LANG! AKALA KO PARA LANG IYON SA PAGPASOK KO SA PSI CHI! PERO HINDI, CARLO! NAGAGALIT AKO KAY DAVE NGAYON KASI LATELY KO NALANG NAREALIZE NA GINAGAMIT NIYA LANG AKO PARA MAKAGANTI KAY KURT! GINAGAMIT NIYA ANG KAPATID NIYA PARA MAGHIGANTI! GINAGAMIT NIYA KAMI! NANDAMAY PA SIYA NG IBANG TAO NA WALANG KAALAM-ALAM! SI MIKO, DINAMAY NIYA PA!! I MADE HIM FALL FOR ME, UNTIL HE DECIDED TO GIVE UP HIS APPLICATION FOR RHO SIGMA MU!! IT WAS ALL IN DAVE'S PLAN! HE KNEW MIKO WILL FALL FOR ME, AND THERE YOU HAVE IT! HE DID!"
With that, bumuhos na yung luha ko. Ang sakit kasi every time na naaalala ko.
"So,.....H-Hindi mo talaga mahal si M-Miko?"
Napaupo ako at patuloy pa ring umiiyak, "Wala naman sa plano kong mainlove sa kanya eh. Never. My only intention was to make him fall in love with me, as planned by Dave. Para nga sa initiation ko for Psi Chi Phi."
"Pero bakit mo siya sinagot, DJane? Hindi ba sinabi mo sa akin noon? Nung nasa library tayo! Sabi mo, tutulungan mo lang siyang makapasok ng Rho Sigma Mu? Pero bakit kinailangan pang maging kayo? Nasa plano din ba yun?" Tanong ni Carlo.
Oo, alam ni Carlo na tutulungan ko lang si Miko makapasok ng Rho Sigma Mu. Alam ko kung anong task niya simula palang. Nung nagpakilala siya sa akin nung nahulog yung BlackBerry niya sa harap ko, napatingin ako nun sa direksyon nina Kurt. Hindi ko alam kung napansin ni Miko yun. But I know by then na may pinaplano sila.
BINABASA MO ANG
The Initiation
Teen FictionEverything happens for unexpected reasons, and one of them expected the unexpected. Miko had it all planned out. But somewhere along the way, something went wrong. He meets Debbie, the key to pass his initiation. Will his plan lead to something he e...