Chapter 9
-Sneaky Miko-
***MIKO'S POV***
"Ano pong ibig sabihin niyo, Manong?" Tanong ni Sten kay Manong manghuhula.
"Ikaw lang ang makakaalam kung sino yun, hija. Malalaman mo nalang 'pag naramdaman mo na." Sagot ni Manong.
"Ah. Sige po. Salamat po ulit, Manong."
Umalis na talaga kami. Habang naglalakad, napansin kong parang tulala si Kirsten. Kaya naman sinubukan ko siyang kausapin.
"Uy, ayos ka lang?" Tanong ko.
"Ha? Ah, oo naman. Bakit mo naitanong?"
"Tulala ka dyan eh. Sabi ko kasi sa'yo 'wag ka nang magpahula eh. Saka bakit ba ayaw mong sabihin kung sino yung tinutukoy mong minamahal mo? Siguro ako yun 'no? Aminin mo na kasi na ako yun! Secret lang natin, Sten. Dali." Pilit ko sa kanya.
Pumunta ako dun sa harap niya at naglakad nang patalikod habang patuloy siyang kinukulit.
"Oy ano ba? Umayos ka nga. Mamaya may mabunggo ka pa dyan eh." Awat niya.
"Ayoko. Sabihin mo muna kung sino yun. Sige na oh." Pilit ko pa rin.
"Ayoko nga sabihin eh. Ang kulit mo. Sige, 'wag kang makinig sa'kin, hindi na kita kakausapin." Hay nako! Binlack mail niya nanaman ako.
"Sige na nga. Tsk."
Aayos na sana ako ng lakad, pero 'pag harap ko sa daanan, may nakabunggo ako.
"Put...tumingin ka nga sa dinadaanan mo, Delgado!" Nakakunot-noo pa si Kurt nung sinabi niya yun.
"Pasensya na, Kurt." Sabi ko.
Nako! Kung hindi lang mataas posisyon nito sa PEM, pinatulan ko na 'to eh!
Napansin ko namang napatingin siya kay Kirsten pero binalik niya kaagad yung tingin niya sa akin.
"Mag-usap tayo mamaya 'pagkatapos ng klase mo." Sabi niya.
"Ah. Sige."
Umalis na siya pagkatapos. Ano naman kaya ang sasabihin sa akin nun?
"Uy, 'di ba si Kurt Fernandez yun?" Tanong ni Sten.
"Ah, oo. Kilala mo siya?"
"Oo naman. Sikat na leader ng PEM yu---"
Napatigil siya sandali at nanlaki yung mga mata niya. Tumingin siya sa mga mata ko.
"'Wag mo sabihing...sasali ka sa...PEM?" Seryosong tanong niya.
Tinignan ko rin siya nang deretso.
"Kung sinabi ko bang oo, lalayuan mo ako?" Seryoso na din ako.
"Uhmmm...siguro?" Sabi niya at nagpatuloy siyang maglakad. Hinabol ko siya at hinawakan sa kamay para pigilang maglakad.
"Sandali. Seryoso ba 'yan?" Tanong ko.
Tumingin siya sa akin at ngumiti.
"Haha. Ano ka ba? Kilala na kita mula pagkabata. Ano, dahil lang sa pagsali mo sa frat lalayuan na kita? Syempre, hindi 'no! Ang babaw ko naman kung gano'n."
Napangiti naman ako dun. Naglakad na kami ulit. Ang kinagulat ko lang ay yung hindi niya pagbitaw sa kamay ko. Hindi niya yun inaalis tulad ng dati.
Nakarating na kami sa tapat ng CAS.
"Osiya, una na ko sa'yo, Mimi. 11:51 na. 12 class ko." Paalam niya.
Aalis na sana siya pero hinigpitan ko yung hawak sa kamay niya.
"Uy, bitaw. Male-late ako niyan eh." Utos niya habang sinusubukang alisin yung kamay ko.
"Pwede bang magcut ka muna kahit ngayon lang? Ngayon lang ulit kita nakasama nang ganito katagal eh." Pakiusap ko.
"Hindi pwede, Miko eh. May quiz kami sa Math. Yun ang next subject ko. Sorry. Maybe next time? Sige na, bitaw na. 'Pag na-late pa 'ko, ikaw pa sisisihin ko eh."
Binitawan ko na siya.
"Sige. Goodluck. Bye." Paalam ko sa kanya.
Nagmadali siya kaagad na pumasok sa loob. Sayang talaga hindi kami pareho ng sched at subjects eh. Eh 'di sana lagi kaming magkasama. Chem at Nat Sci lang kami magkaklase. Kainis.
Saan naman ako pupunta ngayon? 1 PM pa susunod na class ko. Ayaw ko namang bumalik sa Rob. Ah! Alam ko na! Doon nalang ako sa CAS library---sa reserved section. Tahimik doon at malamig. Matutulog nalang ako.
Umakyat na ako sa library. May sumalubong naman sa aking babae.
"Kuya, kayo po ba si Miko Delgado?" Seryosong tanong niya. Parang ang seryoso masyado nitong batang 'to.
"Uhhh...oo, bakit?"
"Ako po pala si Skye. 1st year student po. PolSci major. Inassign po kasi ako ng NSTP teacher namin na hanapin kayo kasi mapapasali daw po kayo sa NSTP program ng block namin. Yun lang po." Seryoso pa rin siya. Grabe ah.
"Ah. Sige, salamat." Nginitian ko pa siya, pero 'di man lang siya ngumiti. Nakakatakot.
Papasok na sana ako sa library nang tinawag niya ako ulit.
"Uhhh...Kuya Miko, may kilala po ba kayong Debbie Biazon?"
"Oo, bakit? PolSci major din yun ah. Dapat kilala mo yun." Sagot ko na nakangiti. Pero wala na nga atang pag-asang ngumiti 'tong babaeng 'to.
"Ah. Sige, ako na nga lang maghahanap. Salamat ulit." Sabi niya at umalis na. Grabe ang sungit at pikon naman nun.
"Uy, sandali. Joke lang kasi. Skye!" Tawag ko sa kanya, pero hindi man lang siya lumingon. Psh. Grabe.
Pumasok na ako sa loob ng library at dumeretso sa reserved section. Umupo ako dun sa floor sa pagitan ng dalawang shelves at sumandal dun sa isa. Tinaas ko yung isang kanang tuhod ko at pinatong yung kanang siko ko doon. Yumuko ako para makatulog.
Sandali, baka nagtataka kayo kung bakit 2nd year na ako tapos may NSTP pa ako. Dito kasi sa amin, pang-1st year students lang yun. Pero dahil bumagsak ako sa NSTP ko last year, uulitin ko ngayong year. Oo na! Ako nang bukod-tanging binagsak ang NSTP! Pero dahil naman kasi sa katamaran ko yun!
Panay ang absent ko kasi noon. Tapos kapag pumapasok naman ako, wala rin akong ginagawa. In short, sobrang tamad ko talaga. Hay. Pero this year, 'di ako pwede tamarin. Ayoko nang ulitin 'to kah---
"Sabi ko kasi sa'yo 'wag na eh. 'Pag ikaw talaga napahamak, DJane, ewan ko nalang."
Naputol yung thoughts ko nang marinig ko yung nagsalita na yun. Parang kilala ko yung boses. Saka DJane? Isa lang kilala kong tumatawag sa kanya ng ganun.
"Eh! Ako na bahala, Carlo." Sagot nung kausap niya.
Si Carlo at Debbie yung nag-uusap. Sinilip ko para makasigurado. At ayun, nakasandal din sila sa shelf na sinasandalan ko. Nakalean naman yung ulo ni Debbie sa balikat ni Carlo. Para lang silang nasa park.
Oo nga pala, nakita ko nga pala si Debbie kanina na mukhang malungkot 'no? Bakit kaya?
"Ikaw na bahala? Eh tignan mo nga 'yan, nag-away pa kayo ni Dave dahil dun."
Sinong Dave naman yun? Yun ba dahilan kung bakit siya malungkot kanina?
"Ang babaw naman kasi nun eh. Nagtampo kaagad dahil lang nakitang may kasama ako sa Rob kahapon."
Nagtampo? Nag-away? Boyfriend ba ni Debbie yung Dave na yun?
"Oh? May class pa pala ako nun kaya hindi ako ang kasama mo. Sino ba yung kasama mo?"
Sandali, kahapon? Kahapon kami magkasama sa Rob ah.
"Si Miko."
BINABASA MO ANG
The Initiation
Ficção AdolescenteEverything happens for unexpected reasons, and one of them expected the unexpected. Miko had it all planned out. But somewhere along the way, something went wrong. He meets Debbie, the key to pass his initiation. Will his plan lead to something he e...