Chapter 42 - Luhaan

512 12 0
                                    

Chapter 42

 

-Luhaan-

 

***DEBBIE'S POV***

"Bilisan mo namang magdrive! Malelate ako niyan eh!" Pangungulit ko kay Dave.

"Ikaw kaya dito?! Saka akala ko ba 1 pm pa ang class mo?" Iritableng tanong niya.

"Eh bakit ba? Bilisan mo nalang." Humalukipkip ako.

Sa totoo lang, medyo natuwa ako sa ginawa ni Dave ngayon. He let me talk with Tita Mariel dahil alam niyang si Tita Mariel ang nakakaalam ng totoong nasa puso ni Miko. Pero hindi ko pa rin lubos na napapatawad itong kuya ko, okay? May sama pa rin ako ng loob sa kanya.

"Oh, ayan. Dito ka na bumaba. Dun ako magpapark sa OUR." Sabi ni Dave nung tinabi niya yung sasakyan sa tapat ng gate ng CAS.

Tinanggal ko yung seatbelt ko at bumaba na sa kotse ni Dave. Pero bago ko pa isara yung pinto, "By the way, thank you, Kuya."

Nakita kong ngumiti siya. Tuwang-tuwa kasi yun kapag tinatawag ko siyang 'Kuya'. Isinara ko na yung pinto at agad na dumeretso sa loob ng Rizal Hall. Saan ko kaya sisimulang hanapin yun?

"Hey." Biglang may bumati sa akin galing sa likuran ko, dahilan para mapalingon ako.

Just the person who could help me, "Zeke! Good to see you!"

 

"Kakatapos lang ng class namin. Punta kang GAB, he's there." Ngumiti muna ito bago umalis. Mukhang alam niya kung sino hinahanap ko.

I guess, not all Rho Sigma Mu guys are bad. Zeke's kind of an exception.

Agad akong pumunta sa GAB para hanapin siya. Groundfloor, second floor, and lastly, third floor. Just my luck. I saw him. I saw him with Kirsten. I saw him leaning against her. Naka-flatten yung isang palad niya sa wall, at yung isang kamay niya naman ay nasa bulsa niya, habang si Sten ay nakasandal doon sa wall. Oo, nasasaktan nanaman ako sa mga nakikita ko ngayon. Naiiyak nanaman ako. Hindi ko ba alam kung nagbublurred ba yung paningin ko at sila lang nakikita ko, o dahil lang sa mga luhang namumuo sa gilid ng mga mata ko. May sparks kasi yung tinginan nila eh. Nagseselos ako!

Halos madurog yung puso ko nang makita kong hinilig ni Miko yung ulo niya malapit sa tenga ni Kirsten na para bang may binulong ito sa kanya. Natawa ang pinsan ko sa hindi ko alam na dahilan. That's it! Gather all the courage you can get, Debbie Jane! Just remember what Tita Mariel said earlier. Ikaw ang mahal niya, okay? Ikaw!

Nagdesisyon akong lapitan sila. Naglalakad na ako papunta sa dalawa. Deretso lang ang tingin ko sa kanila. Kaya mo 'yan, Debbie!

Malapit na ako kina Miko nang biglang may sumalubong sa akin at hinila ako sa braso, palayo sa direksyon na dapat pupuntahan ko. Sinubukan kong hawiin yung kamay na yun, pero sobrang higpit ng hawak niya, dahilan para masaktan ako. Parang pinipiga niya na yung braso ko sa higpit.

The InitiationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon