Chapter 48
-Harder Than I Thought-
***DEBBIE'S POV***
Hindi pa rin ako makapaniwalang nagsorry si Kurt sa akin. Pero totoo yung sinabi niya eh, na hindi ko siya kayang tiisin kapag nagsorry siya. Kuya na rin kasi ang tingin ko sa kanya simula nung bata pa ako. Kaya laking-gulat ko talaga nung nag-away sila ni Dave.
"Sa'n ka galing? Hinahanap kita kanina pagkatapos ng NSTP mo eh. Kaso wala ka na dun pagdating ko."
"Ah. Nag-coffee lang ako sa Rob. Sorry, hindi ko nasabi, Bret."
Ngumiti naman siya, "Wala yun. May kasama ka dun?"
"Uh...w-wala."
"Ah. Sayang naman. Sana pala nasamahan kita. Oo nga pala, mamaya hindi kita maihahatid sa inyo, ha? May pupuntahan pa kasi ako eh."
"Sus. Okay lang yun. Sanay na naman ako magcommute eh. Sige, ha? Pasok na ako sa next class ko. See you tomorrow."
Tumalikod na ako sa kanya, pero bigla niya akong hinila at hinalikan sa pisngi. Nanlaki yung mga mata ko.
"Bye. Ingat ka pauwi. I love you!" Nakangiti pa siya nang sinabi niya yun bago umalis. Iniwan akong tulala dito.
"Ayos yung manliligaw mo na yun ah. Ang bilis!"
Napalingon ako dun sa nagsalita sa likod ko. Nakapamulsa siya at nakasmirk na sinusundan ng tingin si Bret.
"Uy, Carlo."
"In fairness, gwapo. Fratable din. Pwede bang irecruit yun sa Psi Chi? Haha!"
"Tss. Irecruit mo. Paki ko ba?" Umirap lang ako at umalis na. Okay na kaya yung lokong yun? Okay na ba sila ni Kirsten?
Pumasok na ako sa susunod na klase ko. Nakinig lang ako, as usual. 5:30 na rin natapos yung class ko. Dumidilim na rin kaya plano ko talagang umuwi na.
"Debbie, i-meet mo daw si Ma'am Jose sa RH-313 pagtapos ng classes mo." Sabi ni Josie.
Basta academics talaga pinag-uusapan, saka lang ako kakausapin nitong si Josie eh. Mabait naman 'to, kaso tropa ni Mara. Hindi ko naman siya masyadong nakakainteract, at ayoko rin namang kaibiganin siya.
"Ah, sige. Thanks." Sagot ko.
Umakyat na ako sa third floor, kung nasaan ang RH-313. Nasa tapat ng room na yun ang Department of Biology. Kaya napatingin ako doon bago pumasok sa room. Bukas pa yung ilaw sa DB pero parang wala namang tao. Nagsiuwian na rin siguro yung mga profs. Halos wala na din kasing tao dito sa third floor dahil kaunti lang ang may night classes.
BINABASA MO ANG
The Initiation
Teen FictionEverything happens for unexpected reasons, and one of them expected the unexpected. Miko had it all planned out. But somewhere along the way, something went wrong. He meets Debbie, the key to pass his initiation. Will his plan lead to something he e...