Chapter 16
-Confessions with Zeke-
***MIKO'S POV***
"Game Over." Sabi ni Debbie nung humarap siya sa akin.
"Ha? Hindi pwede!" Sagot ko.
Wala na ako sa sarili ko. Hindi ko na alam kung anong sinasabi ko.
"Anong hindi pwede, Miko? Uy, okay ka lang? Talo na ako eh. Malamang game over na. Gusto mo pa ba ng isa pang round?" Inosenteng tanong niya.
"'Wag na. Ayoko na. Uwi na tayo. Nasaan na ba si Sean?" Sabi ko habang palingon-lingon pa. Ayoko siyang tignan. Ayoko!
"Uy, bakit? Okay lang naman sa akin yung isa pang round kung gusto mo pa eh."
Iritable akong tumingin sa kanya.
"Ayoko na nga! Umuwi na tayo! Bakit ba ang kulit mo?!" Napasigaw na ako. 'Di naman rinig nung ibang tao kasi nga maingay dito.
Napansin kong nagulat siya sa asal ko. Nanlaki yung mga mata niya kaya kitang-kita ko kung ga'no ka-brown yung mga yun.
"Uy, tol. Ano na? Wala nang laman card ko? Bakit 'di na kayo naglalaro? Anong nangyari?"
Sunod-sunod yung mga tanong ni Sean pagbalik niya galing sa CR. Ugh!! Miski sa kanya hindi na ako makatingin nang deretso. Si DJane naman tahimik pa rin, pero alam kong tinititigan niya pa rin ako para humingi ng sagot.
"Uuwi na ako. Sasabay ka ba?" Tanong ko. Alam kong nahalata ni Sean na ang cold ng boses ko.
"H-ha? Bakit ba? Ano bang nangyari?" Tanong pa rin niya.
"Ah, eh Sean, kailangan ko na rin kasing umuwi eh." Sagot ni DJane. Napatingin ako sa kanya at nakita kong nakangiti pa siya kay Sean.
"Ah ganun ba? Sige, sabay ka na sa amin ni Miko."
Napatingin ako kay Sean.
"Hatid na natin si Debbie, pards."
Hindi ko alam kung anong isasagot ko...kasi deep inside, may part sa akin na parang ayoko at gusto ko.
Napatingin sa akin si DJane.
"Ha? Ah sige, 'wag na. Uwi nalang ako mag-isa. May dadaanan rin naman ako eh." Sagot naman niya habang nakangiti...I mean, pinipilit ngumiti. Halata naman eh.
"Ha? Samahan na kita." Sabi naman ni Sean.
"Walang kasama si Miko. Ako nalang talaga. Wala namang problema eh." Ngiti nanaman.
"Hindi. Sasamahan kita." Pilit pa rin ni Sean.
"Sige. Ingat kayo. Alis na 'ko." Paalam ko. Hinintay ko lang naman yung desisyon ni Sean eh, at umalis na ako kaagad.
Basta ang alam ko lang, gusto ko nang lumayas dun. Ayokong makita si Debbie ngayon. Oo, DEBBIE! Ayoko na siyang tawaging DJane. Ayokong ma-attach sa kanya. Ayoko na sa kanya!
Pumunta na ako sa parking lot at nagdrive na pauwi. Pero naisip ko na ayain si Zeke muna uminom. Maggagabi na naman eh.
To: Ezekiel Tan
Tol, sa'n ka? Bahay ka lang ba? Tara, inom!
Nagdrive lang ako matapos itext si Zeke.
"Game Over."
"Game Over."
"Game Over."
Potek! Bakit ba paulit-ulit yung pesteng yun sa utak ko?! Hindi nga pwede, 'di ba?! HINDI PWEDE!!!
BINABASA MO ANG
The Initiation
Ficção AdolescenteEverything happens for unexpected reasons, and one of them expected the unexpected. Miko had it all planned out. But somewhere along the way, something went wrong. He meets Debbie, the key to pass his initiation. Will his plan lead to something he e...