Chapter 55 - Scenically Beautiful

781 17 1
                                        

Chapter 55

-Scenically Beautiful-

***DEBBIE'S POV***

"Oh, ba't parang ang bilis niyo naman ata? Tapos na yung finals niyo?" Tanong ni Manong nung nakita niyang papalapit na kami sa jeep.

"Tapos na po." Sagot ko nang nakangiti.

Napansin kong napatingin si Manong sa mga kamay namin ni Miko na magkahawak. Napangiti pa siya, "Ah, oh sige, tara na at makabalik tayo nang maaga sa Nasugbu."

Sumakay na kami sa jeep. Nagsimula nanaman kami sa matagtag na byahe namin.

"May tanong ako." Sabi ko kay Miko.

Nakaupo ako sa right side ng jeep at nakapatong ang mga paa sa tabi ni Miko na nasa left side naman.

"Ano yun?" Tanong niya habang nakangiti pa.

"Nung sinundan mo ako nung gabing nagjogging ka at galing ako sa bahay niyo, pa'no mo nalaman kaagad yung message ko? I mean yung laman nung sulat?"

Natawa siya at lumipat bigla sa tabi ko. Pinatong niya rin yung paa niya sa left side na upuan nung jeep.

"Naaalala mo yung last time na nakaencounter mo si Zeke?" Tanong niya habang nakangisi.

Kumunot yung noo ko, "Oh ano naman? Sagutin mo nga muna yung tanong ko."

Natawa nanaman siya, "I don't know if you noticed that, pero kausap niya ako sa phone nun. Dahil absent ako, tinawagan ko siya that time. Sakto naman na narinig ko boses mo. I heard everything you said. You're done with me? You don't care with my whereabouts? Sinabi mo rin yung sa NSTP meeting, so that time, informed na ako."

"So sayang lang pala yung effort kong sumulat pa at pumunta sa bahay niyo?" Nakasimangot kong tanong.

"Tss. At least, kahit absent ako that day, nakita pa rin kita." Nakangisi nanaman siya. "Saka bakit ginamit mo pa si Skye dun sa letter? Alam ba ni Skye yun?"

"H-Hindi...eh...eh bakit ba?!" Sabi ko sabay halukipkip.

Inakbayan niya ako bigla at inakap nang sobrang higpit, "Namiss kita. Sobra."

I hugged him back, "Namiss din kita."

---

"Oh, nagbago ata ihip ng hangin? Okay na kayo?" Pang-asar nanaman nitong NSTP Professor namin.

"Obvious ba?" Iritableng sagot ko.

Buti nalang talaga at hindi napipikon sa akin 'tong prof na 'to kahit sinasagot ko siya eh. Nakita ko rin sina Skye at Patricia na nakangisi sa amin. Parang mas natutuwa at kinikilig pa sila kaysa sa akin.

Tinuloy na namin ang mga activities na naabutan namin. Bantay-sarado ako kay Miko. Bawat galaw ko, nakamasid siya. Baka kung anong kalokohan nanaman daw kasi ang gawin ko tulad nung kay James kahapon.

"Ang galing ah! Napunta lang kayo sa Manila, ayos na kaagad? Anyare?" Tanong ni Skye.

"Oo nga! Kwento ka naman, Ate Debbie!" Sabi naman ni Patricia.

Bago pa ako makasagot eh sumingit na itong si Miko, "Oy oy oy! Ladies, please mind your own lovelives. 'Wag niyong iniistress sa tanong itong asawa ko at baka madamay pa ang baby namin."

The InitiationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon