Chapter 13
-Destined Class-
***MIKO'S POV***
Wednesday ngayon. Simula na ng NSTP ko kasama ang mga first year PolSci majors. =______= Ang aga. Nine o'clock hanggang twelve 'tong NSTP na 'to. Sabihin niyo nga sa'kin kung sino ang hindi tatamarin dito!
Papunta na ako sa GAB-301A, ang room namin. Hay nako. Lalo pa akong mabobored nito dahil wala akong kilala dun sa mga yun. Wala akong choice kundi makipagkaibigan sa kanila.
Pagdating ko sa room, nandoon na yung freshies. Hayyy. Ang sisipag nitong mga 'to pumasok.
Nakakabwiset pa yung feeling na 'pagpasok ko, sabay-sabay talaga silang tumingin sa pinto para tignan kung sino ang pumasok. Star na star ang dating ko.
Agad kong nakita si Skye at tumabi ako sa kanya since bakante naman yung dalawang katabi niyang upuan. Siya lang kilala ko dito eh. Kaso 'di niya ako pinapansin. Psh. Eh 'di 'wag!
"Skye, dito ka nga oh. Ang tahimik mo dyan!" Aya nung isang lalaking kablock ni Skye.
"Ayoko. Ang kulit mo, kanina ka pa." Pagtanggi ni Skye. Gusto siguro nito akong katabi. Pero ayaw naman akong kausapin.
Narinig kong bumukas nanaman yung pinto. At syempre, sabay-sabay silang titingin doon. Pero 'di na ako nakitingin. Sasali pa ako sa scary stares nila eh.
"Ate Debbie!" Tawag ni Skye.
Sandali, Ate Debbie??? Si Debbie??? Debbie Jane Biazon???
Tumingin na din ako sa nasa pinto para makasigurado.
Tama nga. Si Debbie. Siya nga yung tinawag ni Skye.
"Dito ka, Ate, oh." Turo ni Skye dun sa upuan sa kanan niya.
Hindi ko pa rin alam kung anong irereact ko. Bakit nandito si Debbie???
Umupo na siya at lumingon-lingon para tignan yung mga kablock ni Skye. Nagulat siya nung nakita niya ako.
"Uy, Miko!! Mag-NSTP ka din???" Tanong niya na ngiting-ngiti.
"Ah, oo eh. Binagsak ako dito nung first year eh. Ikaw rin ba?" Tanong ko na medyo shocked pa rin.
"Wait, Ate Debbie, gusto mo palit tayo ng upuan?" Suggest ni Skye.
"Ah, sige. Okay lang ba?" Paninigurado ni Debbie.
Nagnod si Skye at tumayo na para magpalit sila ni Debbie. Buti naman naramdaman ni Skye na dapat niyang gawin yun. Haha.
"Well, nung second sem kasi last year, kailangan ko mapull out sa NSTP. So hindi ako pinasa nung prof kaya ireretake ko siya ngayon. Haha." Kwento niya.
"Ah. May tanong ako."
"Ano yun?"
"Bakit parang galit sa akin si Skye? Pero ikaw kinakausap naman niya." Tanong ko.
"Ha? 'Di ko din alam, Miko. Gusto mo tanungin ko?"
"Ay 'wag n---"
"Skye." Tinalikuran niya ako bago ko pa siya mapigilan at kinalabit na niya si Skye.
"Ano yun, Ate Debbie?"
BINABASA MO ANG
The Initiation
Teen FictionEverything happens for unexpected reasons, and one of them expected the unexpected. Miko had it all planned out. But somewhere along the way, something went wrong. He meets Debbie, the key to pass his initiation. Will his plan lead to something he e...
