Chapter 22
-Parentals-
***MIKO'S POV***
"Ano ba 'to, Miko? Nasaan na tayo?"
"Sandali nalang. Hawak naman kita eh. Just trust me."
Nandito kami ni Debbie ngayon sa bahay ko. Ngayon ko kasi pinlanong ipaexperience sa kanya ang buhay ng isang Bio major. 'Di ba nalaman ko na pangarap niya sanang magBS Bio. At since PolSci ang gusto ng dad niya, sinunod niya yun.
Tinanggal ko na ang blindfold niya. Nandito kami sa lounging area ng tropa, sa basement. Dito ko sinet-up yung gagawin namin.
"Hala, bakit may pusa dito, Miko?"
"'Yan yung ginagawa namin sa isang Bio subject namin ngayon. Nagdidissect kami ng pusa."
"Ahh. Kaya pala ang dami kong nakikitang may ganyang dalang black na cylindrical bag. Pusa pala laman nun?" Pagtataka niya habang nakatingin pa rin dun sa pusa ko.
"Ready ka na ba?" Tanong ko.
"Huh?"
"Paparamdam ko sa'yo yung feeling na maging isang Bio major."
Parang napansin kong kuminang yung mga mata niya.
"Talaga???" Yung ngiti niya abot-tenga na.
"'Di ba ito sana yung gusto mo? Wala ka naman atang balak magshift kaya naman ito lang yung naisip kong paraan para mafeel mo lang yung biology."
Hindi pa siya sumasagot nang bigla niya akong niyakap.
"Thanks, Miko." Sabi nito habang nakaakap pa rin sa akin.
"Wala yun. 'Di pa nga tayo nagsisimula eh."
Bumitaw na siya sa akap. Ngiting-ngiti pa rin siya.
"Ang ganda mo talaga. Lalo na kapag nakangiti ka." Sabi ko habang nakatingin sa mukha niya.
Hindi siya sumagot at nakangiti lang siya.
"Suot mo pala 'to para hindi mo malanghap lahat nung formalin." Sabay-bigay sa kanya nung face mask. Kinuha niya yun at ako naman, inayos yung gagamitin pa namin sa pagtuturo ko sa kanya.
'Pag harap ko kay Debbie, nakatali na siya ng buhok at sinusubukang isabit sa tenga niya yung face mask.
"Akin na nga." Sabi ko, sabay-agaw nung face mask sa kanya.
Tumayo ako sa harap niya at dahan-dahang inayos yung face mask sa mukha niya. Pero natigilan ako nang napatitig ako sa mga mata niya. Ang ganda talaga ng pagkabrown nun. Bumagay pa sa kanya yung nakatali niyang buhok. Ngayon ko lang nakita yung mukha niya nang walang harang na buhok.
Namalayan ko nalang na nakatitig na rin pala siya sa akin at unti-unti kong muling tinatanggal yung face mask niya para makita nang buo yung mukha niya.
Ano ba talaga? Si Debbie o Rho Sigma Mu?
"Uhmmm...Miko?"
Napailing-iling ako. Bumalik na ako sa katinuan.
"T-Tara na. Simulan na natin." Yun nalang nasabi ko.
"Huh? Ni hindi ko nga alam kung anong gagawin natin eh. Haha."
"Ah. Itututor kita about Biology stuff, particularly yung parts ng pusa."
"Ah, ganun ba? Omg. Super thank you talaga dito." Sobra siya makangiti. Parang ang saya-saya niya dito.
BINABASA MO ANG
The Initiation
Teen FictionEverything happens for unexpected reasons, and one of them expected the unexpected. Miko had it all planned out. But somewhere along the way, something went wrong. He meets Debbie, the key to pass his initiation. Will his plan lead to something he e...