Chapter 21
-Mysterious Fratmen-
***MIKO'S POV***
"Pa'no mo nalaman 'yan?" Tanong ko.
"Doesn't matter. I just want to tell you to keep up the good work. You're doing great."
"Bakit ka pala napadpad dito?"
"Kaklase ko si Dave sa class namin dyan sa taas ng OUR...Now, why am I even explaining things to you? Sige, mauna na ako." Paalam ni Kurt.
"Sandali."
What's up with me and my pahabol questions? =_______=
Lumingon naman ito sa akin na nakabulsa pa rin yung parehong kamay.
"Dave ang tawag mo sa kanya. Sa pagkakaalam ko yung mga taong malapit lang sa kanya ang tumatawag sa kanya nun."
"Tss. Ano bang pakialam mo kung Dave ang tawag ko sa kanya? I don't have to explain everything to you, Delgado."
"Delgado. Tinawag niya din akong Delgado kanina. Sabihin mo nga sa akin, ano bang meron sa inyo ni DJ?"
"Hindi mo ba talaga ako titigilan dyan sa mga tanong mo? Alamin mo! Hindi kailangang lahat ng bagay ineexplain sa'yo. Uulit-ulitin ko ba talaga sa'yo yun?"
Tinalikuran na niya ako pagkatapos nun. Sumakay na ako sa kotse at nagmaneho pauwi.
Dave? DJane? Tinawag ni Kurt yung dalawa with their "secret names". Yung mga taong kaclose lang nila ang tumatawag sa kanila nun eh. Pa'no naman nalaman ni Kurt yun?
***Flashback***
"Anong meron? Bakit ganyan ka makatingin kay Kurt?"
"Wala. Naiinis lang ako sa kanya. Ang yabang kasi eh. Nakita mo ba yung smirks niya na yun? Hindi ba nakakaasar?"
***End of Flashback***
Kung close sila bakit asar si Debbie sa kanya? At kung close man sila ni DJ, bakit niya pinapadevirginize sa akin si Debbie? Ayon kay Debbie, alam naman ng lahat ng kaibigan ni DJ na protective siya sa kapatid niya eh.
"Hay ang gulo!" Napailing nalang ako habang nagdadrive.
Tapos ito namang si Sean. Si Bianca lang pala yung tinutukoy niyang Ate Yang. Hindi ko ba maintindihan kung bakit ngayon ko lang nalaman eh. At boyfriend niya pa si Dave.
***Flashback***
Pagdating ko sa kanila, sakto naman na may kaaalis lang na red na kotse galing sa tapat ng gate nila. Sabay naman na lumabas si Sean galing sa loob nung bahay. Binusinahan ko na siya at sumakay kaagad.
"Sino yun?"
"Ahh. Si Ate."
"May sarili siyang sasakyan?"
"Wala. Boyfriend niya. Sinundo siya. Brod namin yung boyfriend niya, actually."
"Wait, so you're stepsister is a member din ng sorority ng PsiChi?"
"Oo. Last year pa. Hindi mo pa pala nameemeet si Ate Yang ever since 'no?"
***End of Flashback***
BINABASA MO ANG
The Initiation
Novela JuvenilEverything happens for unexpected reasons, and one of them expected the unexpected. Miko had it all planned out. But somewhere along the way, something went wrong. He meets Debbie, the key to pass his initiation. Will his plan lead to something he e...