Chapter 33 - Good For You

679 13 0
                                    

Chapter 33

-Good For You-

***MIKO'S POV***

"Anong problema mo, ha, Carlo? Balak mo ba talagang manggulo dito sa formal celebration na ito? Dapat hindi nalang pala talaga kita hinayaang makapasok sa Psi Chi Phi eh." Sabi ni Tito Jerome.

Nakayuko nalang si Carlo ngayon, pero kitang-kita ko yung naghahalong lungkot at galit sa mukha niya.

"Sorry po, Sir. Pero kung ako po sa inyo, hindi po ako magtitiwala dyan sa Miko na 'yan. Opo, royal blood siya, pero--"

"Will you just stop it?! Don't tell me what to do. Sino ka ba, ha?!" Galit na si Tito Jerome.

Bigla namang dumating si DJ at hinawakan sa balikat si Carlo, "Dad, ako na bahala dito."

Umalis siya kasama si Carlo. Kami naman ni Debbie ay galit na nakatingin kay Carlo habang nilalayo siya sa amin.

"The nerve of that kid! I can seriously give him a disciplinary action right now!" Naiinis na sinabi ni Tito Jerome.

"Pabayaan mo na yun, Dad. Si Dave na bahala sa kanya."

"May atraso ka ba dun, Miko? Bakit galit na galit yun sa'yo?" Tanong ni Tito sa akin.

"Uh...Eh hindi ko po alam dun kay Carlo."

"God, he's making me angry. Sige, maiwan ko muna kayo dyan." Paalam ni Tito Jerome.

Naiwan nalang kami ni Debbie dito. Tahimik lang siya. Hindi kaya napaisip siya sa mga gustong sabihin ni Carlo? Alam ko naman kung anong gustong mangyari nung pesteng lalaking yun eh. Alam kong gusto niya akong siraan kina Debbie. He wants me out of Debbie's life. He knows he can manipulate me 'cause he has something against me. Kaya kailangan ko na talaga kausapin si Kurt.

Hinawakan ni Debbie yung kamay ko, "Don't worry. Whatever he's saying, hindi ako maniniwala dun. I trust you, Miko."

"Thanks."

Bigla namang nagplay yung song na Runaway, cover ng Ezra Band.

(Play niyo yung video, dali! Haha! Para cute.)

"Hey, may I have this dance?" Inaya ko siyang magsayaw, at nilahad ko yung kamay ko.

Kinuha naman niya kaagad iyon at tumungo na kami sa dance floor. Pinatong niya yung right hand niya sa left hand ko. Yung left hand niya naman ay nasa kanang balikat ko. Nagssway lang kami habang tumutugtog yung kanta.

Nagulat ako nang bigla niyang nilagay yung kaliwang kamay niya sa likuran ko, pero yung kanan ay nasa kamay ko pa rin. Para na siyang nakaakap sa akin ngayon. Pinatong niya yung baba niya sa kanang balikat ko.

"Kaya ko yun." Bulong niya.

"Huh? Alin ang kaya mo?"

"Kaya kitang hindi kausapin at pansinin. Kakayanin ko. Tiwala lang."

"Debbie. 'Di ba sinabi ko na sa'yo, 'wag na 'wag mo yung gagawin."

"Napag-usapan natin, 'di ba? Na kapag nawala yung respeto mo sa akin, hindi na kita kakausapin at papansinin. Pa'no kung mangyari nga yun? Malay natin, 'di ba?"

"Debbie, ano ka ba, hindi yun mangyayari. 'Wag mo nga akong takutin. Saka bakit ganyan ka makapagsalita? Apektado ka ba masyado sa mga sinabi ni Carlo kanina?" Tanong ko.

The InitiationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon