Chapter 27
-Subukan Mo-
***MIKO'S POV***
Dun lang ako tumatakbo sa likod ni Debbie the whole time. Oo, mabagal siya. Kating-kati na nga akong unahan siya eh. Pero tiniis ko yung bagal na yun para lang masubaybayan ko siya. Hindi ko rin alam kung alam niyang ilang metro lang ang layo ko sa kanya dito sa likod. Totoo nga yung sinasabi niya--magcoconcentrate siya sa activity na 'to.
Sa wakas ay natapos na niya yung laps. Pumunta lang siya sandali dun sa prof namin para iparecord yung oras niya. Pinaakyat din siya kaagad ni Sir. Susunod na sana ako sa kanya.
"Oy, Delgado. Saan ka pupunta? Record mo?"
"Uh, Sir, 45 minutes po." Sabay aakyat na sana ako para sundan si Debbie.
"Umayos ka nga, Delgado! 30 minutes lang ang palugit na binibigay ko sa male students ko. Bakit umabot ka ng 45? Yung unang run mo 20 minutes lang ah."
"Ay sorry po, Sir. Aayusin ko nalang po next time." Nag-attempt nanaman akong takasan siya.
"Umamin ka nga, Delgado. Kayo ba ni Biazon?"
"Po? Ah, hindi pa po, Sir. Soon." Tinaas-taas ko pa yung kilay ko at kumindat kay Sir.
"Kung may problema kayo, 'wag niyo ngang dinadamay yung grades niyo. Napaka-aggressive mo masyado kanina. Biruin mo, handa kang masingko, makausap ka lang ni Biazon?" Daldal naman neto.
"Sorry po, Sir. Gagalingan ko na talaga next time. Ngayong alam niyo po pala ang rason ko, pwede na po ba akong umakyat? Hindi pa po kasi kami nagkakausap eh. Please lang po, Sir. Promise 15 minutes ko tatapusin yung run ko next week."
"Aba, sige! Osya! Umakyat ka na." Sabi niya sa wakas.
Agad akong kumaripas ng akyat dun sa 2nd floor nung SSWC. Nabadtrip ako nang wala si Debbie doon, and worse, pati bag niya wala na. Natakasan ako?!
Tinanong ko lahat ng nga kaklase namin na naunang umakyat at nakasabay ni Debbie. 'Di daw nila nakitang umalis kasi nasa CR sila, nagpapalit ng damit.
Lintek naman oh! Asan nanaman ba yun? Nagpromise siya kanina, 'di ba? Nagpromise siya na mag-uusap kami!
Now, I' going to have to look for her again around CAS. Hayyy.
Bumaba na ako pagkatapos kong magpalit ng damit at mag-ayos into a more decent get-up. Ayoko talaga ng PE Uniform namin eh.
Parang ang bigat ng pakiramdam ko ngayong hindi ko pa rin nakakausap si Debbie.
Palabas na ako ng SSWC nang nakita ko siya doon sa tabi, nakayuko, nakahawak sa straps ng backpack niya, at nilalaro yung mga bato sa paanan niya. Sa sobrang tuwa ko na nakita ko siya, agad akong tumakbo sa kanya at niyakap siya. Ito nanaman, naamoy ko nanaman yung nakakalasing niyang pabango.
"Akala ko hindi nanaman kita naabutan eh. Akala ko nawala ka nanaman sa akin." Bulong ko habang akap-akap ko pa rin siya.
Hindi siya sumasagot. Hindi rin siya nakaakap sa akin.
"I'm sorry about the other day. Believe me, hindi ko sinasadya. I came back, pero pagdating ko doon wala ka na. I'm really sorry, Debbie. Hindi na talaga mauulit." Hinigpitan ko pa yung akap ko sa kanya.
"Ayos na sa'kin yun, okay? Hindi na ako makahinga, Miko."
Binitawan ko kaagad siya, "Oh. Sorry. Sigurado kang okay ka na? Hindi ka na galit sa akin?"
"Hindi na nga. Ang kulit. Besides, I enjoyed my stay there. Inentertain naman ako nung isang waiter dun eh. He's pretty nice."
"Ano?!" Nanlalaki yung mga mata ko sa sinabi niya. So nagkausap nga talaga sila nung waiter na pinagtanungan ko?!
BINABASA MO ANG
The Initiation
Fiksi RemajaEverything happens for unexpected reasons, and one of them expected the unexpected. Miko had it all planned out. But somewhere along the way, something went wrong. He meets Debbie, the key to pass his initiation. Will his plan lead to something he e...