Chapter 5
-Getting to Know Debbie-
***MIKO'S POV***
"Ano???" Tanong ko kay Sean na nakakunot-noo pa.
"Nararamdaman ko kasi na may gusto talaga si Carlo sa kanya. Hindi ko lang alam kung anong pumipigil kay Carlo para umamin kay Debbie. Hindi naman torpe yang lalaking yan, sa totoo lang eh." Kwento ni Sean.
"Ah. Oh?" Yun lang nasabi ko. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na wag siyang susuko dahil wala pa namang official statement si Carlo. Pero dahil sa task ko, hindi ko magampanan ang pagiging bestfriend ko dito kay Sean.
"Bakit nga pala ang dami mong tanong tungkol kay Debbie at Carlo? Tapos kanina kinuha mo pa number niya." Tanong ni Sean. Palusot, Miko! Palusot!
"Ah. Wala. Nakakatuwa kasi siya eh. Feeling ko magiging close kami nun ni Debbie." Sagot ko. I know. That was lame. :|
"Ahhh. Akala ko pati ikaw may gusto na sa kanya eh."
"Haha. Hindi 'no! Kung di naman dahil sa phone ko, di ko naman mapapansin yun si Debbie eh."
"Anong hindi? Hindi ba last year magkakasama kayo sa mga activities dahil dun sa Mr. And Ms. Freshie na contest? Di ba si Debbie ang Ms. Freshie representative ng PolSci block? Tas ikaw yung Mr. Freshie naman ng Bio." Paninigurado ni Sean.
Napaisip ako dun.
"Ay. Oo nga pala. Hindi kasi kami masyadong nag-uusap nun eh. Kasi 'di ba si Kirsten ang partner ko nun. Siya ang Ms. Freshie naman ng Bio. Wait, si Carlo ba yung Mr. Freshie nung PolSci?" Tanong ko.
"Oo, pare. Haha. Grabe. Nakakahiya ka. 'Di mo man lang sila matandaan! Haha." Asar ni Sean.
"Malay ko naman bang makakainteract ko pa pala ulit sila in my college life. Haha." Sagot ko.
"Pero 'di ba yung contest lang naman na yun ang nakapigil sa'yo sa pagsali sa frat nung first year pa tayo? Lahat kami fratmen na, tapos ikaw nalang hindi. Tapos ngayon ka palang nagsisimula. Haha."
"Eh bakit ba? Panalo ako sa contest na yun eh. Malamang sumikat ako dahil dun. Kilala ako ng mga tao na freshie. 'Pag nalaman nilang fratman na ako 1st year palang, pwede ako ma-expel. Haha. Eh kayo patago sumali eh." Sagot ko.
Nagkwentuhan lang kami ni Sean doon sa KFC hanggang sa natapos kami kumain.
"Tambay tayo sa inyo. Billiards!" Aya ni Sean.
"Sige."
Umuwi na din kami kaagad. Wala na yung Ford sa garage namin. Ibig sabihin umalis na din si Dad. Dumeretso kami dun sa basement ng bahay namin. Yun kasi yung ginawang lounging area. Nandoon yung mga libangan namin. Band jamming area, gym, billiards, etc.
"Sarap talaga tumambay dito sa inyo. Daming libangan." Sabi ni Sean habang kumukuha nung isang billiard stick.
"Parang bahay mo na nga rin 'to sa kakatambay mo eh. Haha. Patambay naman ako sa inyo! Ilang years na tayong tropa tapos iisang beses palang ako nakapunta sa inyo. Pati ate mo never ko pa nakilala."
"Wag na. Wala din namang magagawa doon eh. Haha."
Narinig namin na may nagdoorbell. Pero syempre wala kaming pakialam dahil si Manang naman ang magbubukas nun.
Maya-maya, biglang may mga pumasok dito sa basement. Sila Zeke, Blake, Jiro, at Marvin. Napansin ko namang natahimik si Sean.
"Uy, Liaco. Andito ka rin pala. Ayos ah. Kumpleto tropa natin ngayon!" Sabi ni Zeke.
BINABASA MO ANG
The Initiation
Teen FictionEverything happens for unexpected reasons, and one of them expected the unexpected. Miko had it all planned out. But somewhere along the way, something went wrong. He meets Debbie, the key to pass his initiation. Will his plan lead to something he e...