Chapter 26
-Stopwatch-
***MIKO'S POV***
Thursday, buong araw akong hindi mapakali. Tuwing breaktime ko, hindi ko maiwasang hanapin si Debbie. Pero kahit saan ako magpunta, hindi ko siya makita. Miski si Sean ay hindi ko rin mahagilap. Pumasok kaya sila?
Hindi ko alam pero ang bigat pala sa pakiramdam. Sa text ni Sean, tanga nalang ang hindi maniniwalang galit sila sa akin--si Sean, si Debbie, si DJ.
Nireplyan ko pa si Sean kagabi eh.
***Flashback***
To: Debbie Jane Biazon
I know it's my fault, Sean. I'm sorry kung pinaghintay ko siya. Hindi ko talaga sinasadya. Maniwala naman kayo sa'kin oh. 'Di ko naman ginusto yun eh.
From: Debbie Jane Biazon
Anong hindi mo ginusto? Nakita ko kayo kahapon, Miko! Kayo ni Kirsten, nagmamadaling lumabas ng Rob!
To: Debbie Jane Biazon
Napilitan lang ako, pards. Akala ko kasi makakabalik ako kaagad. Hindi ko naman matanggihan si Sten.
Hindi na nagreply si Sean sa akin pagkatapos nun.
***End of Flashback***
Nilibot ko ulit yung school para hanapin sila. Nagbabakasakali akong makita ko pa sila kahit 4 pm na.
Nung unakyat ako sa 3rd floor ng GAB, hindi ko inaasahang makakasalubong ko si Sean.
Nagkatinginan kami, at halata mo sa mata niya ang inis at galit sa akin.
"Sean, pwede ba kitang makausap?" Tanong ko.
Bumuntong-hininga siya bago magsalita, "Fine. I'll let you explain this time kahit labag sa kalooban ko."
Hindi ko ba malaman kung bakit ganito itong si Sean, akala mo siya yung pinaghintay ko dun sa CBTL kung makapagreact eh.
"Believe it or not, nagpasama lang sa akin si Kirsten sa SM Manila. Sabi niya sa akin mabilis lang daw yun at makakabalik kami kaagad bago ang oras ng dismissal ni Debbie. Eh, pards, hindi ko naman alam na freecut na rin nila. Nalowbatt ako, hindi ko siya natext. I tried to contact her using Kirsten's phone pero hindi ko nga pala kabisado yung number niya--"
"May number siya ni Debbie, Miko!" Putol sa akin ni Sean.
"H-Huh? Bakit? Magkakilala si--"
"Magpinsan sila, Miko! For heaven's sake, magpinsan sila!!!"
Nanlaki yung mga mata ko. Si Debbie at Kirsten??? Magpinsan???
"Debbie Jane A. Biazon. A stands for Amaro. Magkapatid ang Dad ni Kirsten at Mom ni Debbie." Galit pa rin siya habang pinapaliwanag yun sa akin.
"B-Bakit mo 'to sinasabi s-sa akin?" Tanong ko. Hindi pa rin ako makapaniwala sa 'di ko malamang dahilan.
"Gusto ko lang naman ipamukha sa'yo na kapag nagfall si Debbie sa'yo, pero sa dulo ay si Kirsten pa rin ang pipiliin mo, tagos yun kay Debbie. Isipin mo nga yun, Miko, kung ginawa yun sa'yo? Yung nagfall ka, tapos malalaman mo sa dulo na hindi ka pala talaga niya mahal, at mas pinili niya yung pinsan mo kaysa sa'yo. Ang sakit, 'di ba? Pinsan mo pa. Mahirap kaagaw ang pamilya."
Tahimik lang ako. Hindi ko talaga alam ang sasabihin ko.
"Oh, ano, tama ako, 'di ba? Si Kirsten pa rin nga ang pipiliin mo sa huli. Alam mo, pards, akala ko kaya ko pa eh. Pumayag ako na gawin mo yung plano mo nang hindi kita tinututulan o pinipigilan. Pero kasi masakit rin palang makita yung kaibigan ko na nagfafall para sa isang lalaking selfish, katulad mo. Iniisip mo lang 'yang pagpasok mo sa PEM. Pa'no nalang si Debbie? Siya yung talo at luhaan sa huli? Tss. You're hopeless." Sabay tinalikuran niya ako.
BINABASA MO ANG
The Initiation
Dla nastolatkówEverything happens for unexpected reasons, and one of them expected the unexpected. Miko had it all planned out. But somewhere along the way, something went wrong. He meets Debbie, the key to pass his initiation. Will his plan lead to something he e...