Chapter 49
-PE & NSTP-
***DEBBIE'S POV***
Umakyat na ako sa kwarto ko. Parang pagod na pagod ako sa mga nangyari ngayong araw na 'to. Kinapa ko yung iPhone ko sa bulsa ko, pero naramdaman kong wala iyon dun. Tinignan ko sa bag ko, pero wala rin doon.
"Shit! Sa'n ko nailagay yun???"
Chineck ko ulit yung bag ko, pero wala talaga doon. Pakiramdam ko naiwan ko dun sa taxi. Hayyy. Tatanggi-tanggi akong ibigay kay Dad, yun naman pala, wala sa akin.
Bigla namang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.
"Sino 'yan?" Tanong ko.
Hindi na siya sumagot, sa halip eh pumasok nalang siya kaagad.
Bumuntong-hininga ako, "May idadagdag pa po ba kayong sermon?"
"Akin na yung phone mo." Sabi ni Dad.
"I lost it." Hindi ako makatingin sa kanya.
"Don't lie to me, young lady! Give me your phone or grounded ka forever!"
"Nawala nga po! I'm looking for it pero wala sa pockets ko, nor sa bag ko. Kahit kayo pa po ang maghanap!" Sabi ko, sabay alok sa kanya nung bag ko.
"Fine, I'll believe you. But I've got one thing I'll ask from you."
"Ano nanaman po yun?" Iritableng tanong ko.
"Layuan mo na si Miko. I already told Mariel about this. Wala si Mike, out of the country for business kaya si Mariel lang nakausap ko. As expected, syempre nagtataka din siya kung bakit ko 'to ginagawa. I just want you to know na pinoprotektahan lang kita. Malay natin, baka ituloy pa ni Miko yung plano niya sa'yo para lang makapasok dun sa isang fraternity. So it's better to be saf--"
"I get it, Dad. Can you please leave me alone for now?"
Bumuntong hininga siya at tinapik ako sa balikat bago umalis sa kwarto ko. Kaya siguro nagagamit niya ang kotse niya ngayon, dahil wala si Tito Mike. Nagshower ako at nagbihis ng pantulog. I did not bother drying my hair and all. Dun muna ako tumambay sa terrace ng kwarto ko. I sat on the terrace's floor at nagmuni-muni. Naaalala ko yung mga nangyari sa araw na 'to. Hindi ko maiwasang manghina at maluha, hanggang sa bumuhos na nga yung luha ko. Inakap ko yung tuhod ko at yumuko, habang patuloy na umiiyak.
Dad's right. Dapat ko na talagang layuan si Miko. I've already done my part. Tapos na 'ko sa paghahabol sa kanya. I said sorry for the nth time pero hindi pa rin niya ako pinapansin. Para bang ang laki ng kasalanan ko talaga sa kanya. But now I'm giving up. Maybe I'll be better off without him.
"I'm sorry."
Narinig kong may biglang nagsalita doon sa harap ko, kaya inangat ko yung ulo ko at pinunasan ang mga luha sa pisngi ko.
"Anong ginagawa mo dito? Saka hindi ka ba marunong kumatok?" Sinamaan ko ng tingin si Dave.
"Come on, little sister. I'm apologizing for what I did, okay? Hindi ba pwedeng tanggapin mo nalang yung sorry ko?"
"Tigilan mo nga ako. Bumalik ka na sa kwarto mo." Inis na utos ko sa kanya.
Pero imbis na umalis siya ay naupo pa siya sa tabi ko.
"Kita mo 'to?" Tanong niya, sabay turo sa pasa niya sa pisngi at putok na labi.
"Oh, ano ngayon? Gamutin mo 'yan mag-isa mo! Hindi ka na nagsawa sa pakikipagbasag-ulo, leche!"
![](https://img.wattpad.com/cover/5918237-288-k921844.jpg)
BINABASA MO ANG
The Initiation
Teen FictionEverything happens for unexpected reasons, and one of them expected the unexpected. Miko had it all planned out. But somewhere along the way, something went wrong. He meets Debbie, the key to pass his initiation. Will his plan lead to something he e...