Chapter 4
-A Day with Sean-
***MIKO'S POV***
Saturday ngayon. Walang pasok. Ang saya ko lang. Kaso imbes na gumawa ako ng school stuff, itong cellphone ko ang inaatupag ko. Pa'no ba naman, hindi ko pa rin napapagawa simula nung binato ko 'to para lang magpakilala kay Debbie. 2 weeks ko na ding pinagtyatyagaan 'tong basag na screen na 'to. Sakit na sa mata eh. Sobrang nakakahilo basahin yung mga messages.
As of now, tinititigan ko lang siya na para bang maaayos siya bigla. =_____= sasabihin ko na ba kay Dad 'to? Para na rin bigyan na ako ng pera pambili ng bago. :| sana nandyan siya.
Bumaba ako para tanungin si Manang kung nandyan ba si Dad.
"Ay, Miko. Nandoon sa kwarto niya. Katukin mo nalang. Ang Mama mo umalis eh." Explain ni Manang. Si Dad lang naman hinahanap ko, pati si Mama sinabi niya pa. =____=
"Sige po. Salamat." Sabi ko at umakyat na rin ulit ako.
Kumatok ako sa kwarto nila Dad pero wala siya doon. Malamang nandun yun sa office niya. Chineck ko doon, at tama nga ako. As usual, busy nanaman sa trabaho.
"Uhhh...Dad."
"Ano yun?" Tanong niya sa akin habang nakatingin pa rin dun sa mga papel papel na inaasikaso niya.
"Can I have some cash?"
Napatingin siya sa akin at kumunot yung noo niya. Badtrip. Mukhang iinit na ulo nito ah.
"Para saan naman?" Tanong niya.
"You see, nalaglag kasi yung phone ko and the screen cracked like hell. Eh sumasakit na mata ko kasi pinagtyagaan ko yung screen for 2 weeks. So the point is, I need a new phone." Dere-deretso kong sinabi.
Tinignan niya lang ako sandali na para bang pinag-iisipan pa kung bibigyan ba ako or what pero kinuha din niya yung checkbook niya.
"What happened to your ATM card?" Tanong niya.
Hindi ako sumagot as a sign na sinasabi kong "eh gusto ko ikaw gumastos eh." Buti nalang at bumigay kaagad.
"Fine. Magkano ba?" Tanong niya.
Ano nga bang magandang phone ngayon?
"30,000" Sagot ko.
Napatingin nanaman siya sa akin. Ang weirdo talaga nitong tatay ko na 'to. =_____= hindi nalang ibigay kung ibibigay eh.
"What?" Tanong ko sa kanya dahil medyo nakakabother na rin yung patingin tingin niya nang seryoso sa akin.
"Mahal talaga smart phones these days. Besides, you're using a smart phone, too. You know how much ang cost niyan. I'd buy the same phone like yours." Dagdag ko pa.
"Ikaw na bahala. Ayan." Sabay abot niya sa akin nung check.
Nag-ayos na ako at bibili na ako ng bagong phone. Tinext ko muna si Sean. Ayain ko muna. Ayokong nag-iikot sa mall nang walang kasama.
To: Sean Liaco
Tol, may ginagawa ka? Samahan mo naman ako sa ATC oh. Bili akong bagong phone.
From: Sean Liaco
Nakakatamad, tol.
To: Sean Liaco
BINABASA MO ANG
The Initiation
Ficção AdolescenteEverything happens for unexpected reasons, and one of them expected the unexpected. Miko had it all planned out. But somewhere along the way, something went wrong. He meets Debbie, the key to pass his initiation. Will his plan lead to something he e...
