Chapter 18
-That School Day, The Wind Blows-
***MIKO'S POV***
"Ano? Ba't ayaw mo magsalita ngayon?" Tanong ni Debbie sa akin habang nakakunot yung noo.
Nakangiti lang ako at niyakap ko siya.
"Huy, ano ba? Bitawan mo nga ako." Reklamo niya habang tinutulak ako.
"Ayaw mo?" Tanong ko.
"Hindi naman sa ayaw ko. Hindi kasi pwede."
"Hindi pwede ang alin?"
"Uhhh...wala. Yung akap. Hindi kasi ako sanay eh. Si Carlo lang kasi ang gumaganyan sa akin."
Nawala yung ngiti ko sa sinabi niya na yun. Carlo nanaman. Bumitaw na ako sa akap.
"Uy. Bakit?" Pagtataka niya.
"Ha? Wala naman. Kain tayo." Aya ko.
"Wait. Kasi...di ba si Carlo nag---"
"Akin na yung phone mo." I cut her words.
"A-Anong gagawin mo?" Tanong niya.
"Basta pahiram." Sabi ko nalang habang nakalahad yung kanang kamay ko, hinihintay kong ihand over niya yung phone niya.
"Fine. Just don't look into the gallery." Sabay-bigay sa akin ng phone niya.
Nginitian ko siya.
"Masunurin ka naman pala eh."
Kinuha ko yung phone niya para itext si Carlo.
To: Carlo Mercado
Carlo, hindi na ako makakasunod sa'yo sa Rob kasi kakain kami ni Miko. Mauna ka na.
"Ano bang ginagawa mo? Akin na. Sino yung tinext mo?"
"Ayoko. Tara na." Sabi ko, sabay-bulsa nung phone niya.
"Uy, akin na! Bakit binulsa mo phone ko? Akin 'yan eh!" Sabi niya habang nakapout.
"Fine. Here, take my phone. Pareho lang naman tayo ng model eh. Just to assure you na wala naman akong gagawing masama sa phone mo."
Inabot ko sa kanya yun.
"Ehh. Ano namang gagawin ko dito?? Akin na kasi." Pilit niya pa rin.
Hindi na ako nagsalita. Hinila ko nalang siya papunta sa Rob.
Nang makarating na kami doon, naglakad na siya nang maayos.
"May class ka pa ba?" Tanong ko.
Hindi siya sumasagot. Hindi rin nakatingin sa akin.
"Huy." Tawag ko.
"Akin na phone ko."
Nilabas ko na yung phone niya. Nakita kong nagreply si Carlo. Luckily, walang password yung iPhone niya kaya nabubuksan ko.
1 message received
From: Carlo Mercado
Ha? Bakit pumayag kang sumama dyan?! DJane, kapag nalaman 'to ng Kuya mo, pareho tayong mananagot eh.
BINABASA MO ANG
The Initiation
Novela JuvenilEverything happens for unexpected reasons, and one of them expected the unexpected. Miko had it all planned out. But somewhere along the way, something went wrong. He meets Debbie, the key to pass his initiation. Will his plan lead to something he e...
