Chapter 30 - Magagalit Ka

602 12 1
                                    

Chapter 30

-Magagalit Ka-

***MIKO'S POV***

Pagkatapos na pagkatapos ng klase ko, pumunta ako kaagad sa bahay nina Debbie just to check up on her. May sakit siya. Gusto ko siyang puntahan dun at ako mismo ang mag-aalaga sa kanya.

Nagdoorbell muna ako.

"Ano po yun, sir?" Tanong nung security guard nila.

"Si Debbie po. Bibisitahin ko lang."

"Pangalan po, sir?" Daming tanong neto.

"Miko Delgado po."

"Sige na, papasukin mo na." Narinig ko ang si Tito Jerome dun sa likod ni Kuya Guard.

"Good afternoon po, Tito." Bati ko sa kanya pagpasok ko.

"Bakit ka pala nabisita bigla?" Tanong niya.

"Bibisitahin ko lang po sana si Debbie." Sagot ko. Napansin kong napangiti naman si Tito Jerome.

"Ah, ganun ba? Andun siya sa kwarto niya, nagpapahinga. Hinawaan kasi ni Dave eh. Haha. Sige, pasamahan nalang kita kay Manang papunta sa kwarto ni DJane. May gagawin pa kasi ako eh." Tinapik niya lang yung balikat ko bago tawagin yung Manang.

"Manang, pakihatid naman ho siya dun sa kwarto ni DJane."

Agad naman kaming umakyat ni Manang. Binuksan niya yung isang pinto. Ito na siguro yung kwarto ni Debbie.

"Ito na po yun, Sir. Tawagin niyo nalang po ako kapag may kailangan kayo. May system po doon sa wall sa tabi ng kama ni Ma'am DJane. Pindutin niyo lang po kapag tatawagin niyo ako o may ipag-uutos po kayo. Sige po, maiwan ko na po kayo."

Wow, may pang communicate pa sila sa maids nila galing sa kwarto? Angas.

Pumasok na ako dun sa loob ng kwarto. Simple pero elegant yung kwarto ni Debbie. Black, white, at pink yung mga kulay na makikita mo. Nakita ko na rin yung system na sinasabi ni Manang. Parang walkie-talkie na nakakabit sa wall.

Nakahiga si Debbie at nakatalikod. Doon siya nakaharap sa may balcony. Tulog kaya?

"Uhmmm...Debbie?"

"Hm? Dave? Pakisara naman yung sliding door nung balcony ko oh. Ang lamig nung hangin eh." Sabay turo niya doon sa balcony.

Sinunod ko siya, kahit na akala niya si Dave ako. Tinignan ko siya pagkasara ko nung sliding door. Nakapikit pala siya. Nakahoodie na siya, nakakumot pa. Lamig na lamig siguro 'to.

"Malala ba 'yang sakit mo? Bakit hindi ka makatayo para isara yung sliding door? Tas balot na balot ka pa." Tanong ko.

"Tinatamad lang ako." Nakita ko siyang ngumiti habang nakapikit pa rin.

"Haha. Adik ka talaga." Sabi ko habang natatawa.

Dumilat na siya.

"Gwapo ng tawa mo." Sabi niya habang nakangiti. Ang putla niya tapos balot na balot pa sa kumot.

"Gano'n? Haha. Pambawi mo ba 'yan? Tinawag mo pa akong Dave. Nakakatampo ah." Sabi ko.

Bumangon siya sa pagkakahiga at naupo dun sa gilid ng kama niya.

"Oh, bakit ka bumangon?" Pag-aalala ko habang inaalalayan siya.

"Testing lang kasi yung pagtawag ko sa'yo ng Dave. Haha. Tinignan ko lang kung susunod ka kapag tinawag kita nun. Ginawa mo naman. Haha. Kilalang kilala ko boses mo 'no."

The InitiationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon