Chapter 35 - Battered

591 15 1
                                        

Chapter 35

-Battered-

***MIKO'S POV***

Patapos na yung sem. Lahat ng mga estudyante ay busy sa pagkumpleto ng mga requirements. Nung isang araw ay naganap din yung online pre-enlistment namin for the next sem. Tulad nga ng napagkasunduan namin ni Debbie, pareho kami ng PE na pinili. Tapos itutuloy din namin yung second part ng NSTP namin, which is yung deployment sa iba't-ibang organizations outside the school.

Hindi ko pa rin pala nakakausap si Kurt. End ng sem ang binigay niya sa aking deadline para sa initiation task. Pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin siya mahagilap.

"Miko." Tawag ni Debbie sa akin.

"Hm?"

"Isasama kami ni Dad sa US para sa isang business trip. Kaya mawawala ako the whole sembreak. He thinks na ayos rin na semi-vacation namin ni Dave yun."

Medyo nalungkot ako nang marinig ko yun, kasi hindi kami magkakasama this sembreak. 3 weeks din yun ah. Pero for vacation lang naman eh. Babalik naman sila. Tama si Tito Jerome, they need this, lalo na si Debbie. Alam kong nastress siya masyado nitong sem na 'to.

"Ah, ganun ba? Sige. Your Dad's right, kailangan mo 'yang vacation na 'yan." Sabi ko sabay ngumiti.

"Thanks. Akala ko pipigilan mo 'ko eh." Natatawang sabi niya.

"Bakit, kung pinigilan ba kita, hindi ka na sasama?"

"Sasama pa rin. Icoconvince pa rin kita."

"See?"

Natawa siya at biglang pinulupot yung braso niya sa baywang ko habang naglalakad kami, "Haha! Sorry na. Pasasalubungan nalang kita. Ano bang gusto mo?"

"'Wag na. Basta bumalik ka, ayos na yun."

"Ano ka ba, babalik naman talaga ako eh."

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap ko siya, "Promise me, you'll come back."

"Promise." Sabi niya, sabay mabilis akong hinalikan sa labi.

---

"Ready ka na ba? Dalhin mo yung mineral water na binili ko para sa'yo, ha? Don't forget to bring your towel, too. Sobra tayong magpapawis. How about--"

"Miko!"

Natahimik ako. Nandito kasi kami sa loob ng kotse ko ngayon. Nakapark kami sa may malapit sa UP Diliman Oval. Yeah, ngayon yung Fun Run slash finals namin sa PE.

"I can handle myself. Mas madami ka pang bilin kaysa kay Dave eh. Look, I'll be alright." She gave me a smile of assurance.

Lumabas na kami sa kotse ko. Dala namin yung mga gamit na kakailanganin lang namin. Pumunta na kami dun sa assembly area. Medyo malamig-lamig pa yung paligid. Madaling-araw pa kasi nung umalis kami sa subdivision nina Debbie eh. Tapos nagbreakfast kami dun sa may Jollibee sa may Katipunan. Pinagwarm-up na kami nung prof namin.

Ilang minuto rin ang lumipas nung magsimula na yung Fun Run slash finals namin. Bago pa magsimula ito ay nangako na ako sa sarili kong hindi ko iiwan si Debbie. Imomotivate ko siya para umabot kami sa required na time.

Nagpapahinga kami from time to time, tapos tatakbo nanaman. Malaki na rin ang naimprove ni Debbie. Medyo mabilis na siya tumakbo. Hindi ko na siya kailangang imotivate. Confident ako na aabot kami sa time na required. Natapos na namin yung isang buong ikot sa oval. Isang ikot nalang, then we're done. 

The InitiationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon