Epilogue
***DEBBIE'S POV***
"AH!!!"
Napapikit ako doon sa nakita ko. Hindi ko kinaya kaya umaksyon na ako.
"Sandali! Sandali lang!" Awat ko kay Sean na siyang may hawak ng paddle na ipapalo kay Miko. Bumaling ako kay Dave pagkatapos.
"Kuya, hindi ba pwedeng 'wag nang ganyan?" Pakiusap ko kay Dave habang inaalog pa yung braso niya.
"Uy, Debbie, tumabi ka nga dito. 'Wag kang makialam dyan." Bulong sa akin ni Tori habang hinihila ako palayo kay Dave.
Ngumisi lang ang magaling kong kapatid.
"Eh! Hindi mo ba nakikita yung ginagawa nila kay Miko?" Reklamo ko kay Tori, sabay bumaling ako kay Marc na nasa tabi lang din namin. "Marc, can't you do anything about this?"
"Sorry, Debbie. Ganyan talaga ang initiation rite namin." Sagot ni Marc.
"Eh bakit parang ang lakas naman ata ng paddle nung mga brods??? Lalo na yung si Sean oh! Nabansagang bestfriend ni Miko tapos ganyan?" Nag-aalalang tanong ko ulit kay Marc.
"Alam mo, Debbie, lahat kami, pinagdaanan namin 'yan. No need to worry. Kayang-kaya 'yan ng boyfriend mo. Sa simula lang 'yan. Gagaling rin 'yang mga paddle marks niya eventually."
Bago pa ako makasagot, nabaling nanaman ang paningin ko kay Miko. Pa'no ba naman kasi, si Dave na ang papalo sa kanya!
Lalapit na sana ako kay Dave para pigilan siya sa pagpaddle kay Miko, pero sabay akong hinawakan nina Tori at Marc sa magkabilang braso.
"Uy, ano ba, bitawan niyo nga ako!" Inis na bulong ko dun sa dalawa.
"Tignan mo." Utos ni Marc sa akin na chill na chill lang na nanonood.
"Ayoko!" Sabi ko, sabay talikod. Ayokong makitang sinasaktan ng kapatid ko ang boyfriend ko! Hindi ko kaya!
"Tignan mo kasi!" Pilit ni Tori sa akin, sabay hinarap ako sa mga nangyayari.
Bumubwelo si Dave sa pagpalo. Hindi ko malaman kung bakit napatakip ako sa tenga ko at napangiwi. Marahil dahil ayoko talagang makita itong mga susunod na mangyayari.
Readyng ready na si Dave sa pagpalo, nang bigla akong napapikit. Hinihintay kong may marinig akong hampas ng paddle sa hita ni Miko, pero walang dumating na tunog na ganun sa tenga ko. Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. Nakita kong nakangisi lang ang kapatid ko habang pinapasa ang paddle kay Carlo.
"A-Anong nangyari?" Pabulong na tanong ko kay Tori.
"Hay nako! You see, never pumalo 'yan si DJ. Kahit itong si Marc ay hindi nakatikim ng palo galing sa kapatid mo nung rite niya." Kwento ni Tori.
"O-Oh?? Bakit?"
"Why don't you ask him? He's your biological brother, anyway." Natatawa niyang sinabi. "Tss. Palibhasa ito ang first initiation ceremony na inattendan mo eh 'no? And worse, sa boyfriend mo pa."
Tatawa-tawa pa 'tong sina Tori at Marc. Tss. Alam ko namang normal lang sa mga fraternities at sororities ang mga ganito eh. I grew up with fraternity guys. I'm surrounded by them. At sila na mismo ang nagsabi sa akin na normal lang ang mga ganito. Iba nga lang ang meaning ng hazing sa paddling. Hazing is worse. Ayoko nang tanungin pa si Dave kung bakit 'di siya pumapalo. I think I already know why. He's a good guy, and he can't stand hurting anyone physically. He only does that kapag matindi na talaga ang galit niya.

BINABASA MO ANG
The Initiation
Roman pour AdolescentsEverything happens for unexpected reasons, and one of them expected the unexpected. Miko had it all planned out. But somewhere along the way, something went wrong. He meets Debbie, the key to pass his initiation. Will his plan lead to something he e...