Chapter 1
-Miko's Initiation Task-
***MIKO'S POV***
"Sino d'yan?" Tanong ko.
"Ayun oh! Nakaupo sa RH steps. Yung nakaskinny jeans at nakapolo, brod!" Sabi ni Zeke sa akin habang nakaakbay pa at nakaturo dun sa babaeng nakaupo sa main stairs ng Rizal Hall (RH). Andito kami sa College of Arts and Sciences (CAS) ng UP Manila.
Ako nga pala si Miko. Miko Miguel Delgado. 2nd year BS Biology. Ngayon ang pinlano nila na schedule ng simula ng initiation ko. Matagal-tagal ko na ding gustong sumali dito sa Rho Sigma Mu Fraternity, sikat sa tawag na "PEM". Bawal sumali ang freshmen sa fraternities and sororities dito sa UP Manila. Kaya ngayong Sophomore na ako, kakasimula palang ng academic year ay sasali na ako sa PEM. Sa ngayon, nakapagplano na ang head ng frat na si Kurt Fernandez kung anong ipapagawa sa akin para makapasok ako. 4th year BA Organizational Communication siya.
Si Zeke nga pala ang isa sa mga tropa ko at kabatch ko rin. Last year pa siya member ng PEM. Rebelde eh. Hindi natatakot madrop sa UP kung nahuli man siya noon. Pero sa nakikita natin, nakalusot naman siya. Ka-course ko siya. BS Bio din. Siya lang sa tropa ang ka-course ko.
"Debbie Jane Biazon ang pangalan niyan." Sabi ni Kurt habang nakaupo doon sa bench ng tambayan.
Tinitigan ko yung tinuturo nila. Mukhang ang amo ng mukha niya. Pero hindi ko type eh. Wala bang iba? Haha.
"Kung hindi mo gusto yan, wag ka nalang magpa-initiate." Dagdag ni Kurt. Leader na leader ang dating niya dun sa upo niya sa bench. Pero syempre hindi ako natatakot sa kanya 'no! Psh. Si Miko ata 'to.
"Hindi, brod. Sisiw lang 'yan sa'kin. Pero ano nga bang gagawin ko dyan?" Sagot ko. Mukha namang naive yung babae eh.
"Good. At 'wag mo muna ako bina-brod brod. Hindi ka pa member." Sabi ni Kurt na ang sama pa ng tingin sa akin. "So ang gagawin mo lang naman ay kuhanin ang viriginity niyang si Debbie. Bibigyan ka namin ng palugit. Before mag-end ang 1st semester, dapat hindi na virgin 'yan." Tuloy niya.
Sandali. Kukuhanin ko virginity niyan? Eh sa itsura niyan, mukhang hindi basta-basta bibigay yan eh! Siya yung tipo ng babae na para bang ibibigay niya lang yun sa mapapangasawa niya. At nakakasiguro ba kaming virgin pa yan?
"Kurt, papayag ba yan? At pano mo nalaman na virgin pa siya?" Tanong ko.
"Lalaki ka ba talaga? Iba ang lakad ng hindi na virgin. Alam ng mga lalaki yan! Hina mo, pare. Haha. At akala mo ba ganun lang kadali pumasok dito sa PEM, ha Delgado?" Tanong niya. Nagsmirk pa.
"Okay, okay. Sige. Sisimulan ko na." Sabi ko.
Iniwan ko sila doon sa tambayan ng Rho Sigma Mu. Ang aangas eh. Kaya bagay ako dito eh. Haha. Malamang lamang panunuorin lang nila ako mula doon kung paano ako poporma kay Debbie. Pa'no nga ba ako magpapakilala dun?
Nakita kong tumayo na siya doon sa RH steps. Mukhang paalis na. Lalapitan ko na. Pero bakit parang iba pakiramdam ko?
"Man up, Miko! Kaya mo yan! Ikaw nga lapitin ng babae tapos dyan sa naive na yan, hindi ka makalapit?" Bulong ko sa sarili ko. Pampamotivate.
Palapit na siya nang palapit si kinatatayuan ko. Pero dapat hindi ako magpahalata na matagal na akong nakatayo dito. Masyadong halata.
Napatingin ako dun sa tambayan. Nakasmirk nanaman si Kurt. Hindi ko alam kung mapipikon ako o ano eh. Parang tiwalang tiwala siya na hindi ko kakayanin.
Bumalik tingin ko kay Debbie. Malapit na talaga siya. A few meters away nalang. Anong gagawin ko?!
...
BINABASA MO ANG
The Initiation
Teen FictionEverything happens for unexpected reasons, and one of them expected the unexpected. Miko had it all planned out. But somewhere along the way, something went wrong. He meets Debbie, the key to pass his initiation. Will his plan lead to something he e...