Epilogue:

158 4 1
                                    



Josef

Natutulog pa rin sa tabi ko si Cheska nang magising ako. Tinotoo nga niya ang sinabi niyang hindi siya uuwi ngayong gabi. Napapadalas na nga ang pag-stay niya dito sa bahay buhat no'ng umalis sila Tito Shawn. Hindi naman na nakakapalag sa kanya si Karl dahil mauuwi lang din naman sa pagtatalo nilang dalawa. Nangako rin naman ako kay Karl na wala akong gagawing masama kay Cheska. Syempre, nangako na nga ako, tutuparin ko pa ba? Joke.

Buti na lang at na-discover namin ni Cheska ang nararamdaman namin sa isa't isa dahil malamang sa pagpa-member na naman ako sa SMP kapag nagkataon. Malapit na nga ang Pasko at ramdam na ramdam ko iyon. Pagkatapos naming magbakasyon sa Green Grass ay bumalik na kami para mag-aral namang mabuti. Ang dami naming kailangang habulin dahil sa mga nangyari. Buti na lang at madali lang pakiusapan ang St. Claire para hayaan kaming punan ang aming pagkukulang. Naks. Ang deep no'n.

May game kami ngayon, pero hindi ko pa sinasabi kay Cheska. Sinabi ko rin kay Karl na 'wag munang sabihin sa kanya dahil baka hindi siya pumasok sa unang subject sa sobrang pagka-excite. Ngayon na lang ulit kami maglalaro ni Karl. Mukhang last na laro na namin ito ngayong taon. Nagtaka nga ako dahil hindi Hot Shots ang makakalaro namin. Nag-pass muna raw sa game ang Hot Shots ngayon dahil may Christmas event yata sila. Iba talaga kapag mayaman.

Kami ni Kuya? Okay naman kami. Nagkaroon lang ng tampuhan sa pagitan naming dalawa. May mga pagkakataong nahihirapan akong harapin o kausapin siya. Nahirapan kasi akong maka-get over sa katotohanang hindi pala ako anak sa labas. Kahit papaano naman ay nakahinga ako nang maluwag dahil sa nalaman ko. Alam ko namang walang kasalanan ang kapatid ko, eh. Nauna lang siguro talaga ang galit ko. Nagkausap naman na kaming dalawa tungkol do'n. Humingi na rin kami ng tawad sa isa't isa. Nasabi ko na rin sa kanya ang pagtatrabaho ko no'n kay Karl. Nagulat siya, oo, pero pumasok na rin naman daw sa isip niya na may part-time job ako dahil madalas nga raw akong may pera. Hindi lang daw niya inasahan na kay Karl pala ako nagtrabaho at as keeper pa ni Cheska. Na-gets na rin niya kung paano kami nagka-develop-an ng maldita niyang kaibigan.

"Stop staring," bulong ni Cheska habang nakapikit siya. I bet she's awake now.

"Actually, yes, I'm staring," sagot ko. "But not at you."

At bigla niyang idinilat ang mga mata niya. "Seriously?" mataray niyang sabi. "Wala ka talagang ka-sweet-an sa katawan, 'no? Puro kamanyakan lang."

"Wow. Ang sakit no'n, ha! Sige nga, kailan kita minanyak? Kung makapagsalita ka d'yan... gustong-gusto mo naman."

"Excuse me?" Sabay irap niya sa akin.

Nag-aaway kaming dalawa, pero wala naman sa aming dalawa ang bumibitaw sa pagkakayakap namin sa isa't isa. Ang weird talaga naming dalawa. Ngayon nga ay naintindihan na namin kung bakit hindi mapaghiwalay ang kapatid ko at si Ate Faye. Nakaka-relate na kami. Ang hirap pala talaga kapag hindi mo matiis na hindi makasama o makita ang taong mahal mo. Minsan nga, pati sa CR ay hinahatak ko na si Cheska, eh.

"I can't do this with you anymore." Tinulak niya ako at saka niya tinangkang hatakin ang blanket na nakatakip sa katawan ko. "Akin na nga 'to," inis na sabi niya.

"Bakit ba? Blanket ko 'to, ha." Hindi ko talaga alam kung bakit siya nagkakaganito ngayon. "At saka, aanhin mo 'tong blanket? Hindi ka naman nakahubad. Ako nga 'tong nangangailangan ng panakip sa katawan ko. Baka masilipan mo pa ako." Pero, gusto ko naman talaga siyang bwisitin.

Love Hate: By Your SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon