Chapter 44: Story To Tell

123 8 0
                                    

Cheska

                Hindi nagtagal ay dumating na ang mga pulis. Sumama ang kapatid ko at si Froi sa station para magbigay ng statement nila. Tinanong din ako ng pulis kung ano ang alam ko, pero hinarangan siya kaagad ni Josef at sinabing hindi pa ako handang magsalita. Kailan ba ako magiging handa? Pagkatapos ng mga nangyari, magkakaroon pa ba ako ng chance para magsalita at sabihin kung ano ang nararamdaman ko? I don’t think so.

                The truth has been eating me. For the past years, I never thought that he came up with such a lie. He lied to me. He lied to our parents. For what? Hindi ko pa naririnig ang buong paliwanag niya dahil nga dumating na ang mga pulis. Alam kong sasabihin sa akin ni Karl kung ano ang totoong nangyari sa kanya. Highschool kami no’n at basketball player na si Karl at Kaizer. Nagkaroon ng aksidente, o sinabi lang niyang aksidente, nasa hospital na siya no’n nang makita ko siya. Kailangan niyang operahan sa binti dahil matindi ang naging tama. Hindi na siya makakapaglaro ulit ng basketball kapag hindi nilagyan ng bakal ang binti niya. Wala namang nagawa sila Daddy, kung 'di ang isipin ang mas makakabuti sa kapatid ko. Kaya kapag naglalaro si Karl ay hindi siya gaanong tumatalon. Siguro, sa sobrang tagal na ng bakal sa kanya, nasanay na siya. Hindi ko alam kung ano ang kinalaman ni Kaizer sa aksidenteng iyon.

                “Tara na,” aya sa akin ni Josef. “After nilang makuhanan ng statement, pupunta na sila sa hospital. Do’n na lang tayo maghintay.” Hinawakan na ako sa braso ni Josef para alalayang maglakad. Hindi naman ako mahina, pero parang hindi ko nga yata kakayaning maglakad mag-isa. Buti na lang at nandito si Josef.

                “Tell me, did my brother tell you about it?” Gusto kong malaman kung alam ni Josef ang tungkol sa tinatago ng kapatid ko. Gusto kong malaman kung iyon ba ang reason kung bakit pumayag siyang maging keeper ko.

                “It’s not my story to tell, Ches,” sagot niya.

I guess, he knows about it. I can’t blame him if he chooses not to talk. He doesn’t want to get involved. I understand it. Alam ko namang kaya lang siya pumayag na maging keeper ko ay para magkaroon siya ng extra income. Nothing more. Kung ano man ang alam niya tungkol kay Karl at Kaizer, baka iyon na lang ang ginamit ng kapatid ko para mag-stay pang keeper ko si Josef.

Hindi na kami nag-usap ni Josef mula nang makasakay kami sa kotse hanggang sa makabalik kami sa hospital. Sinalubong kami ni Kuya Ian sa labas. Kaagad siyang nagtanong kung ano ang nangyari. Hindi siya makatingin ng diretso sa akin. Alam ko naman kung bakit. Alam naman kasi ng lahat na boyfriend ko si Kaizer. Malamang sa ako ang sinisisi nila ngayon. Okay lang. Tanggap ko naman dahil pati ako, sarili ko ang sinisisi ko.

Pinauna na akong pumasok ni Josef dahil mag-uusap pa sila ni Kuya Ian. Gusto ko nang magpahinga kaya sinunod ko na lang siya. Naglakad na ako papasok ng hospital, papunta sa kwarto ko. Hindi pa tumawag sila Mommy. Malamang sa wala ba silang balita tungkol sa nangyari. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanila. Malaking kahihiyan ito para kay Daddy. Sana na lang ay mapatawad nila ako.

Papasok na sana ako sa kwarto ko nang mapatingin ako sa kwarto ni Millicent. Nasa kabila lang naman siya, pero parang ang layo para mapuntahan ko. Hindi ko pa siya nakikita simula kanina. Narinig ko lang na okay naman ang vital signs niya kaya nabawasan ang kaba ko. May isa pa kaming resulta ng test na hinihintay. Kinakabahan ako sa p’wedeng maging resulta. Gustuhin ko mang matulog, baka hindi ko magawa kakaisip sa best friend ko. Ano na lang kaya ang sasabihin niya sa akin kapag nakita niya ako.

Naisipan kong sumilip kahit sandali sa kwarto niya, pero malapit palang ako sa pinto ay nakarinig na ako ng iyak galing sa loob. Alam kong iyak ni Millicent iyon. Nanghina na naman ang tuhod ko. Hindi ko kaya. Hindi ko siya kayang harapin. Siguro, hindi pa ngayon. Mahina pa siya. Mahina pa ako. Naisipan kong bumalik na lang sa kwarto ko. Napahinto pa ako sa paglalakad nang makasalubong ko si Kuya Ian.

Love Hate: By Your SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon