Josef
“Have you talk to my parents?” tanong kaagad sa akin ni Karl pagkapasok na pagkapasok ko sa locker room.
Hindi man lang niya ako binigyan ng chance para makahinga nang maayos dahil sobrang pagmamadali ang ginawa ko para lang makarating kaagad dito. Para kasing galit siya do’n sa text niya, eh. Akala ko, may ginawa na naman akong hindi maganda. Sa kanya ko kasi unang sinabi na pauwi na kami ni Cheska. Hindi ko alam kung dapat bang hindi ko muna inuwi ang kapatid niya. Wala naman kasi siyang sinabi.
“Yup. Hindi naman sila nagtanong nang nagtanong. Sinabi lang namin ni Cheska ang katotohanang nakatulog siya sa bus kaya hindi siya nakababa sa dapat babaan,” sagot ko. Iyon naman kasi talaga ang nangyari. Hindi naman na kasi binanggit ni Cheska ang part na nag-text siya sa akin para magpasundo. Mukhang ayaw naman niyang ipaalam sa iba ang tungkol do’n. Ewan ko lang kung alam na iyon ni Karl.
“Ang shunga talaga ng kapatid ko. Pati ba naman sa bus, natutulog. Paano na lang kung nanakawan siya habang tulog? Hindi talaga nag-iisip 'yon.”
“Uy, concerned,” pang-aasar ko. Alam ko namang may pakialam talaga siya kay Cheska. Obvious na obvious naman. Si Cheska lang naman ang mukhang walang pakialam sa mundo.
“She’s my sister. How could I not care? I smile because she’s my sister but I laugh because she doesn’t have a choice,” natatawang sabi niya. “Hindi ko nga alam kung bakit hindi niya iniintindi ang mga sinasabi ko. Eh, lagi naman siyang napapahamak kapag hindi siya nakikinig.”
“Matigas nga ulo, eh. Gano’n din naman ako kay Kuya Froi dati. Tumino nga lang ako.”
“Sa lagay na 'yan?”
“Ang hard mo naman. Mukha ba akong gago?”
“Sayo nanggaling 'yan, ha.” At natawa na lang kaming dalawa. “Oo nga pala. Saan ba kayo nag-stay ni Cheska kagabi? Tinanong kasi ako ni Daddy, pero wala akong nasagot,” tanong pa niya habang inaayos ang locker niya. Ano nga ba ang mayro’n at nag-aayos siya ng locker?
“Sa motel,” mabilis na sagot ko.
“Motel?!” sigaw niya. As in sigaw talaga. Um-echo pa nga dahil kulob itong locker room.
“Grabe naman. Kung makasigaw ka parang may ginawa ako sa kapatid mo. Kahit mag-tumbling siya sa harap ko nang hubo’t hubad, hindi ko siya papatulan.”
“Ows?”
“Baka tingnan ko lang.” Babatukan niya sana ako, pero hindi na niya tinuloy. Alam naman niyang nagbibiro lang ako, eh. “Wala naman kaming ibang matutulugan, eh. Iyon na ang pinakamalapit kaya do’n na lang kami nag-stay,” paliwanag ko. Bakit kasi umalis siya sa bahay nila? Hindi na lang niya hinintay ang pagdating namin para isang paliwanagan na lang.
“So, dalawang kwarto ang ginamit niyo? Magkano ba? Para mabayaran kita.””
“Isang kwarto lang.”
“Dalawang kama?”
“Isa lang din.”
“Isa?!”
This time, sasapakin na sana niya ako, pero biglang pumasok sa locker room si Kuya Froi. “Ano’ng nangyayari?” gulat na tanong niya.
“Kausapin mo 'yang kapatid mo, Froi,” inis na sabi ni Karl sa kapatid ko.
“Ano na naman bang kalokohan ang ginawa ng kapatid ko? Isang gabi lang siyang nawala, parang ang laking kasalanan na ang nagawa niya.” Tiningnan ako nang masama ni Kuya. “Ano ba 'yon, Josef?” tanong niya.
BINABASA MO ANG
Love Hate: By Your Side
Humor[Love Hate Book Two] Nananahimik ang buhay ni Josef nang biglang umeksena si Karl na overprotective sa kapatid na si Cheska na patay na patay naman sa all-time crush nitong si Kaizer. Posible nga kayang magkaroon ng katahimikan kapag pinagsama ang i...