Josef
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ni Kuya at bigla akong dinala sa mall para mamili ng damit. Hindi na ako nagtanong pa nang nagtanong dahil baka magbago ang isip niya. Sayang din ang pagkakataon na 'to. Minsan lang ako makapamili ng sarili kong damit. Siguro, naiinis na siya sa tuwing nanghihiram ako ng damit sa kanya. Sana sinabi na lang niya kaagad sa akin para nakapag-ipon ako. Next time ko na lang siya dadramahan, kapag nakapamili na kami para wala nang bawian.
Hindi ko alam kung ma-e-excite ba ako o kakabahan dahil pagkatapos naming mamili ay pupunta na kami sa AE-U. Hindi pa sinasabi sa akin ni Kuya ang dahilan ng pagpunta namin do’n. Ayaw ko namang malaman niya na do’n nag-aaral ang crush ko. Baka mamaya, hindi na niya ako isama. Saka, first time kong makakapunta sa AE-U. Gusto kong malaman kung totoo ang chismis na talagang pangmayaman lang ang university na 'yon.
Pagkatapos kong mamili ng damit ay inaya naman ako ni Kuya na mamili ng sapatos. Hindi na ako tumanggi ulit. Malay ko ba kung malaki ang nakuha ni Kuya sa last photoshoot niya. Saka, napapadalas ang fashion show nila kaya alam kong marami-rami na rin siyang kinita. Hindi ko naman kasi siya kinukwestiyon tungkol sa mga gano’ng bagay. Wala naman kasi akong karapatan para alam kung magkano ang kinikita niya at kung saan iyon napupunta.
Alam ko namang sa mga importanteng bagay napupunta ang kinikita ni Kuya. Hindi naman siya ang tipo ng lalaki na magwawaldas lang nang magwawaldas. Alam kasi ni Kuya ang priorities niya. Kung may kailangang pag-ipunan, pag-iipunan niya. Kahit hindi niya sabihin, alam kong nahihiya rin siyang lumapit kay Ate Faye o sa mga kaibigan niya sa tuwing kailangan niya ng cash. Kaya nga mas pinili ko na lang na magtrabaho nang hindi niya nalalaman, para kahit papaano ay makatulong ako sa kanya.
“You’re all good?” tanong sa akin ni Kuya habang binabayaran niya lahat ng pinamili ko. Actually, napansin kong card ang gamit niya. Hindi kaya ginastos niya sa akin ang pinagbentahan ng kotse niya? 'Wag naman sana. Baka ibenta ko rin nang 'di oras ang kotse ko para lang makabili ng lima pang Millicent Faye Stefan.
“Yeah,” sagot ko at binitbit ko na isa-isa ang mga pinamili ko. Buti na lang at naisipan ni Kuya na bitbitin ang ibang paperbag dahil hindi yata ako makakalabas ng mall mag-isa.
Panay ang tingin sa amin ng mga tao sa mall. Kanino ba ang idea na mag-sunglasses sa loob ng mall? Syempre, sa akin. Famous ang kapatid ko. Mahirap na, baka pagkaguluhan at madamay pa ako. Baka bigla akong sumikat. Sayang naman ang career ng kapatid ko. JK.
Bago pa man din kami dumugin ng mga fan ni Kuya ay dumiretso na kami sa parking lot. Panay na kasi ang tingin ni Kuya sa phone niya. Baka naiinip na si Ate Faye. Nabanggit kasi ng kapatid ko sa akin na pupunta rin daw ang girlfriend niya. Hindi na ako nagtaka dahil never naman silang naghiwalay. Si Kuya na ang pinag-drive ko dahil mas kabisado niya ang daan papunta sa AE-U.
“Ano ba’ng gagawin natin do’n?” tanong ko. Mas okay kasi kung alam ko ang reason ng pagpunta namin do’n, 'di ba? Baka mamaya ibebenta na pala ako ng kapatid ko, hindi ko pa alam.
“May mini fashion show sa AE-U ngayon. A friend of your Ate Faye has invited us.”
Bigla akong napaisip. Friend ni Ate Faye. Is it Pris An he’s talking about? “Then why go with me?” Hindi naman sa ayaw kong sumama, gusto ko talaga, pero bakit?
“I just want you to come with me,” seryosong sagot niya.
Shit. Hindi kaya talaga nilaglag na ako ni Ate Faye sa kapatid ko? Baka sinabi niyang may gusto ako kay Pris An kaya ako isasama ni Kuya Froi. 'Wag naman sana dahil malaking sampal iyon sa pagkalalaki. Baka wala na akong mukhang maihaharap sa kapatid ko kapag nalaman niyang may gusto ako sa isang babae at parang torpe ako kung umasta.
BINABASA MO ANG
Love Hate: By Your Side
Humor[Love Hate Book Two] Nananahimik ang buhay ni Josef nang biglang umeksena si Karl na overprotective sa kapatid na si Cheska na patay na patay naman sa all-time crush nitong si Kaizer. Posible nga kayang magkaroon ng katahimikan kapag pinagsama ang i...