Chapter 40: No Phones for Today

157 7 0
                                    

Josef

                “Oh dear,” bulong ko pagkatapos kong basahin ang text ni Pris An. Napansin kong napatingin sa akin si Ate Faye at binigyan niya ako nang nakakalokong ngiti. “Hindi kasi sira ang phone ko,” palusot ko. Nahihiya pa akong sabihin ang totoo. Mamaya na lang kapag humupa na ang kilig ko.

                Muntik ko nang makalimutan na binigay ko pala kay Pris An ang number ko. Actually, nakalimutan ko na talaga. Ang dami nga kasing nangyari. Buti na lang talaga at naalala ko pa ang phone ko. Tiningnan ko kung anong oras 'yung text ni Pris An. Buti na lang at kaninang umaga lang. Kasi kung kahapon pang text iyon, baka mag-hysterical na ako at mag-tumbling dito sa loob ng bahay. Sayang naman ang pagbigay ko sa kanya ng number ko kung hindi ko siya makikita.

                “Ano’ng sabi ni Cheska?” tanong ko para maiba naman ang topic namin.

                “Ang weird nga, eh. Pinapapunta niya ako sa parking ng isang hotel. May dadaanan lang daw siya do’n,” sagot niya.

                “Saan ba dapat kayo pupunta?”

                “Mamimili sana kami ng mga gamit niya. Alam mo naman 'yon. Puro shopping ang alam sa buhay. Excited na kasi siya sa darating na sembreak.”

                Si Cheska pa. Kung wala sa bahay, nasa mall. Hindi yata makakatulog 'yon nang hindi nagpupunta sa mall para mag-shopping. Kapag naghirap sila, si Cheska ang dapat sisihin dahil napakagastos niyang babae. Hindi siya sanay magtipid. Akala naman niya gano’n lang kadaling kumita ng pera. Kahit pa sabihing sikat ang Daddy niya, pinaghihirapan pa rin no’n ang kinikita niya. Sige, ano na naman ang pinaglalaban ko? Kapag binabanggit talaga ang pangalan ni Cheska, sumasakit ang ulo ko. Nai-stress ako kaagad.

                “Sa Green Grass kayo pupunta, 'di ba?” Narinig ko kasing binanggit iyon ni Kuya. Gusto niya yatang dalhin ang mga kaibigan niya do’n.

                “Kami? Hindi ka ba sasama?”

                “Hindi ko pa kasi alam kung may ibang plano si Lenard, eh,” sagot ko. Pero, sa totoo lang, maghahanap lang talaga ako ng part-time job. Mas madali kasi akong makakahanap kung wala sa paligid sila Kuya Froi. At least, hindi ko kailangang ma-paranoid na baka mahuli niya ako kasi alam kong nasa malayong lugar siya.

                “Sayang naman. Isama mo na lang din si Lenard sa atin. Mag-e-enjoy siya do’n. Ipakilala mo siya sa mga babae do’n,” nakangiting sabi niya na parang gusto niya akong asarin. Ang dami ko kasing kaibigang babae do’n. 'Yung iba katrabaho ko, 'yung iba naman ang regular customers.

                “Kakausapin ko na lang siya.” Kakausapin ko si Lenard, pero pipilitin ko siyang gumawa na lang ng ibang lakad. Hindi p’wedeng mapurnada ang mga plano ko.

                “Oo nga pala. 'Wag mong banggitin sa Kuya mo na aalis kami ni Cheska, ha. Baka kasi hindi pa siya okay sa best friend ko. Saka, balak ko sana siyang bilhan ng regalo para kahit papaano ay maiba ang mood niya.”

                Ang sweet talaga ni Ate Faye. Kailan kaya ako makakahanap ng babaeng katulad niya. 'Yung tanggap ako kahit ano o sino pa ako. 'Yung laging nand’yan kapag kailangan ko. 'Yung babaeng hindi nahihiya kapag kasama ako. 'Yung hindi makakatiis na magkalayo kaming dalawa. Okay. Sana sinabi ko na lang na sana may isa pang Millicent Faye Stefan na nag-e-exist. Which is very impossible. Maniniwala na lang ako na makikita o makikilala ko rin ang babaeng para sa akin. Tiwala lang.

Love Hate: By Your SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon