Cheska
It’s been a week since I last saw him. Bigla na lang siyang nawala na parang bula. Sinabi niyang babalik siya, kaya naghintay ako, pero hanggang ngayon hindi ko pa rin siya nakikita. Lagi ko siyang tine-text at sinusubukan ko rin siyang tawagan, pero wala akong nakukuhang sagot. Wala pa rin akong balita kung bakit bigla na lang siyang nawala. Hindi ko pa rin kasi nakakausap si Froi. Ang sabi niya lang sa akin ay magiging okay din ang lahat. Paano magiging okay ang lahat kung hanggang ngayon ay wala pa akong naririnig mula sa kanya?
Alam ko namang gumagawa na ng paraan si Froi para malaman kung nasaan ang kapatid niya. Hindi ko siya kinukulit dahil ayaw ko namang ma-pressure pa siya nang dahil lang sa akin. Marami na siyang pinoproblema kaya ayaw ko nang dumagdag pa. Nagpatulong na lang ako kay Karl na magtanong-tanong sa mga kasamahan nila sa Red Cool. Pinuntahan ko na rin si Lenard, pero wala rin siyang narinig mula kay Josef. Nagulat din siya nang malaman niyang bigla na lang nawala ang kaibigan niya.
Nag-aalala na talaga ako. I cried myself to sleep every night. I wonder kung ganito rin ang naramdaman nilang no’ng nawala ako. Mahirap pala. Mahirap palang maghanap ng taong ayaw magpahanap. Pero, iba naman kasi ang sitwasyon ngayon, eh. Alam nila kung bakit ako umalis, pero hindi namin alam kung bakit umalis si Josef. Wala naman akong maalala na pinag-awayan namin. Pati si Froi ay walang matandaan na naging pagtatalo nila, para maging dahilan ng pagkawala ng kapatid niya.
Sa buong linggong nakalipas, bilang na bilang sa isang kamay kung ilang beses akong lumabas ng kwarto ko. Wala talaga ako sa mood dahil hindi ako mapakali. Sobrang nasasaktan ako. Sobrang nag-aalala ako. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang siyang umalis. Ayaw ko namang isipin na iniwan na niya ako dahil sa tingin ko naman ay seryoso siya sa akin. Naramdaman ko naman, eh. Naramdaman kong mahal niya talaga ako. Walang duda 'yon, pero bakit nagkaganito? Akala ko pa naman okay na ang lahat. Akala ko magiging masaya na ako.
Nahinto lang ako sa pag-iisip nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Hindi ako lumalabas ng kwarto kung hindi rin naman kailangan. Ayaw ko kasing makita nila Mommy na nagkakaganito ako. Alam ko namang ginagawa na rin nila ang lahat para mahanap si Josef. Alam ko namang pati sila ay nag-alala na rin. Ilang gabi na rin akong puyat kaya mas lalong ayaw kong magpakita sa kanila. Ayaw kong isipin nilang pinapabayaan ko ang sarili ko dahil alam naman nilang ayaw ni Josef iyon.
“Sweetheart, are you up?” rinig kong tanong ni Daddy sa labas ng kwarto ko. Hindi na natuloy ang pag-alis nila ni Mommy dahil sa akin. Na-cancel ang isang concert ng The Glimpse dahil sa pag-alala ng parents ko sa akin. Hindi dapat ako nagkakaganito dahil ang daming naaapektuhan. Sinabi ko naman kila Daddy na 'wag na nila akong isipin, pero mas lalo lang iyon naging dahilan para mag-stay pa sila dito.
“Yes, Dad. Why?” Pinilit kong ayusin ang boses ko para malaman niyang okay lang ako. Napapaos na nga ako kakaiyak. Pinipigilan ko naman, pero wala akong magawa.
“Froi’s here. Looks like he has good news for you.”
Bigla akong napatayo at dirediretsong lumabas ng kwarto. Hindi ko na nga natingnan pa si Daddy dahil nagmadali na akong bumaba para makita si Froi. Pagkababa ko ay nakita ko kaagad si Froi na yakap-yakap ni Mommy. Alam ko namang pati sila ay nag-alala rin kay Froi. Syempre, sino pa ba ang unang mag-alala kay Josef.
“Have you heard from him?” tanong ko kaagad.
Naglakad siya palapit sa akin para mayakap ako. “Not exactly from him,” sagot niya bago siya humiwalaya sa akin. “I asked my handler to look into the airline’s log and I’ve talked with our Dad. Do’n nga nagpunta si Josef no’ng gabing nawala siya.”
BINABASA MO ANG
Love Hate: By Your Side
Humor[Love Hate Book Two] Nananahimik ang buhay ni Josef nang biglang umeksena si Karl na overprotective sa kapatid na si Cheska na patay na patay naman sa all-time crush nitong si Kaizer. Posible nga kayang magkaroon ng katahimikan kapag pinagsama ang i...