Josef
Two weeks. Two weeks na naming hindi nakikita si Cheska. Wala ring balita si Karl sa kanya. Alam naman naming okay lang siya, pero hindi namin maiwasang mag-alala. Lalo na si Karl. Ilang beses na siyang hindi naka-attend ng practice dahil sa puyat. Hindi pa rin kasi alam ng parents nila ang nangyari. Pati si Ate Faye ay hindi sinabihan ni Cheska kung saan siya pupunta.
Hindi ko sinasabing wala akong pakialam kay Cheska. Kaya lang kasi parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib. I care for her. Yes, no doubt. Pero, isa kasi si Cheska sa mga nagpapasakit ng ulo ko. May negative side naman ang pag-alis niya. Wala na akong trabaho. Buti na lang at binayaran pa rin ako ni Karl, sobra pa nga. Ayaw ko sanang tanggapin dahil hindi ko naman nagawa ng maayos ang trabaho ko. Pero, dahil pinilit niya ako, tinanggap ko na. My job was to keep Cheska away from harm and the likes but I ended up letting her go to only God knows where.
Nananalangin na lang kami na isang araw ay mauuntog si Cheska at malalaman niya kung saan talaga siya nababagay. At dito 'yon, kasama ang mga kaibigan niya, ang kapatid niya. I regret letting her do this. I should’ve stopped her. Nasa huli nga naman ang pagsisisi.
Nandito kami ngayon sa Underrated dahil gustong magpalipas ng oras ni Karl. He’s having a hard time. We know that, kaya naman ginagawa namin ang lahat para matulungan namin siya. If he wants everyone at his side, we’re willing to be there. Hindi kami gano’n ka-close, pero alam ko namang ina-acknowledge na rin niya ako bilang isang kaibigan. Saka, gusto kasi ni Kuya Froi na lagi na akong sumama sa kanila.
Saktong pagkuha ko ng phone ko ay naka-receive ako ng text galing kay Lenard.
Lenard: 10 o’clock.
Napatingin naman ako sa 10 o’clock ko at nakita ko siyang nakaupo sa harap ng counter. Ano naman kaya ang ginagawa niya dito? Sinenyasan ko si Kuya na aalis lang ako sandali. Hindi naman niya ako pinigilan dahil alam kong busy siya sa kanyang girlfriend. Naglakad na ako papunta kay Lenard.
Nag-fistbump pa kami nang makalapit ako sa kanya. I really feel sorry for this guy. Hindi ko na siya masyadong nakakasama dahil kila Kuya, pero nangako naman ako sa kanya na babawi ako kapag naging okay na ang lahat. Ayaw din naman kasi niyang sumama sa amin. Hindi raw siya bagay sa bagong circle of friends ko. Ang sarap nga niyang batukan, eh. Hindi ko alam kung bakit niya nasabing hindi siya bagay sumama kila Karl.
“What’s up?” bati niya sa akin.
“Acting cool now?” pang-aasar ko.
“Cool naman talaga ako, 'di ba?”
“Push mo 'yan.”
Cool naman talaga si Lenard. I’m his friend. I know that. Good thing about him is he’s not trying hard. Hindi katulad ng ibang lalaki na sobrang pa-cool para lang may pumasin sa kanila. Simple lang itong si Lenard kaya nga medyo nagwo-work ang friendship namin. Naks, parang ibang relasyon na ang tinutukoy ko.
“So, wala pa rin si Cheska?” tanong niya. Kaibigan ko siya kaya naman updated din siya sa buhay ko. Sino ba naman ang tao sa St. Claire ang hindi nakakaalam sa pag-alis ni Cheska? Prinsesa kung ituring na nga siya sa campus. May mga taong natutuwa sa pag-alis niya, pero mas marami pa rin ang mga taong sa tingin ko ay talagang may pakialam sa kanya.
BINABASA MO ANG
Love Hate: By Your Side
Humor[Love Hate Book Two] Nananahimik ang buhay ni Josef nang biglang umeksena si Karl na overprotective sa kapatid na si Cheska na patay na patay naman sa all-time crush nitong si Kaizer. Posible nga kayang magkaroon ng katahimikan kapag pinagsama ang i...