Chapter 60: Confessed My Love?

188 9 2
                                    

Josef

                Ang harot nito. Pagkatapos niyang marinig ang confession ko, bibirahan niya ng tawag sa kung sino man 'yung tinutukoy niyang baby. Bwisit, ha. Ang bilis naman niyang pinalitan si Kaizer. Ito ba 'yung sinasabi niyang ‘I’ll figure this out’. Grabe. Nakakatuwa siya. Ang sarap niyang sakalin. Tinadtad pa ng ‘I love you’. Ang tindi talaga. Kung wala lang kami dito sa hospital baka hindi na ako nakapagtimpi.

                Bigla akong nakaramdam ng init kaya naisipan ko munang lumabas. Habang naglalakad ako ay napansin kong may sumusunod sa akin. Si Cheska pala. Nagtaka pa ako dahil napaka-wide ng ngiti niya. 'Yung ngiti na parang gusto niya akong asarin. Ano ba ang gusto nitong babaeng 'to? Hindi na nga ako masyadong nag-react sa ginawa niya, eh. Gustuhin ko mang magalit, hindi ko magawa dahil wala naman akong karapatan.

                “Nagseselos ka ba?” nakangiting tanong niya.

                “Ano? Selos? In your dreams.” At inirapan ko na naman siya. “Bumalik ka na nga sa loob,” sabi ko. Pinagpatuloy ko na ang paglalakad ko. Kailangan ko talaga ng fresh air. Sumikip ang dibdib ko.

                “Inirapan pa ako. Nagseselos ka, eh.” Pansin kong sinusundan pa rin niya ako. “Hindi ka naman mag-wo-walkout kung hindi ka nagseselos.”

                “P’wede ba, Cheska? Gusto kong magpahangin kaya ako lumabas. Do’n ka na. Tawagan mo na ulit 'yung baby mo.” Ewan ko, pero nakakaramdam na ako ng pagkainis. Hindi ko alam kung pagkainis kay Cheska o do’n sa kausap niya. Nakaka-bad trip naman kasi talaga.

                “See? Sign 'yan na nagseselos ka.”

                “So, nagselos ka rin no’ng magkasama kami ni Pris An?” Natigilan siya dahil sa sinabi ko. “See, sign 'yan na nagselos ka nga,” panggagaya ko sa kanya.

                Eh, ano naman kung nagselos ako sa kausap niya? Sino bang hindi maiinis kapag narinig mong may kausap na iba ang taong gusto mo? At ang sweet-sweet pa niyang makipag-usap. Sige nga, sinong gago ang hindi magseselos? Natural lang naman na makaramdam ako ng gano’n dahil may feelings ako para sa kanya, pero hindi niya dapat ginagawang katatawanan iyon dahil mahirap itago ang totoong nararamdaman. Mahirap pigilan ang selos.

                “Sa ngayon, wala muna akong aaminin sayo.”

                “Seriously? Ako pa ang maghihintay ngayon?” Matindi talaga itong babaeng 'to. Sinabi ko na ngang hindi ako nanliligaw, pero mukhang paghihintayin naman niya ako hanggang sa ma-realize niyang may gusto nga siya sa akin. Alam ko naman, eh. Ramdam kong may nararamdaman din siya para sa akin, pero bakit ayaw pa niyang sabihin ng diretsahan?

                “It’s up to you if you’re going to wait or not.”

                “Well, I’m...” Nakita kong lumabas din ng hospital si Karl na mukhang may hinahanap. “Mukhang hinahanap ka ni Karl,” sabi ko.

                Tumingin siya sa likod. “Mukha nga,” sagot niya. “We’ll continue this conversation... soon, Josef. Soon.” Naglakad na siya papunta sa kapatid niya.

                Nakita ko ring lumabas ng hospital ang kapatid ko at naglakad siya papunta sa akin. Inaya muna akong umuwi ni Kuya dahil gusto raw niyang ipagluto ng masarap ng pagkain si Ate Faye. Nagkakaroon naman ng improvement sa kalagayan ni Ate Faye ngayon kaya nababawasan na ang pag-aalala namin. Sabi rin ng doctor, hindi magtatagal, makaka-recover nang tuluyan ang kaibigan namin. 'Yun lang, hindi na kami makapaghintay. Ang tagal na naming hindi nakikita at nakakausap si Ate Faye. Kung ako ay nami-miss na siya, paano pa ang kapatid ko?

Love Hate: By Your SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon